Sobrang nakaka stress na po talaga 🥺. Itong comment ng OB possible palang po ba ito or meron na
talaga, yung sa 2D Echo pag confirm nalang kung malaki o maliit ang butas? CAS Ultrasound result ko po yan 😔. Diyos ko wag naman po sana 😭. Bukod sa sobrang laki ng pera na kailangan niyan, wag po sana mahirapan baby ko. First baby kopo ito. Currently 6months po kami. Hindi pa ako nakapag pa 2D Echo, kasi alam ko ang mahal din niyan nasa 4k to 5k.


hi mii. same po tayo. yung baby ko po may ganyan VSD. nagkaganun sya 2 weeks after ko sya ipanganak. nirefer kami sa cardio at pina 2D echo din si baby para malaman kung gano kaliit o kalaki yung butas. inexplain din samin na pwede yun magsara ng kusa. pag hindi po nagsara, mag gagamot or heart surgery si baby. hindi po kita tinatakot mommy pero yan po yung possible na mangyari kapag hindi po nagsara yung butas sa heart ni baby kung meron man. wag po kayo magpakastress, ipagdasal nlng po natin na magclose na yung butas sa heart ng babies natin🙏
Magbasa pa





Expecting A Baby