FTM

Tag ilang piraso po kaya ng mga baru-baruan bibilhin ko para kay baby? Okay napo kaya yung tig anim na piraso?

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay na yan momsh. Mahirap nman kung kulang. Depende din po kong may maglalaba para sayo. Pero nung ako kasi meron si mama ko kaya araw araw naglalaba ng baru baruan ni LO kaya may kapalitan po agad damit ni LO. Lagi po kasi naglalabas ng excess na gatas ang baby kasi dipa po fully developed ang digestive system nya kaya po mapapadalas po un. Kaya mas maganda may extra kapo. Opinyon lng nman po

Magbasa pa

ok n yan momsh..mdali lng lumaki si baby..aq ns n nmili ng mga baru2an..bigay lng..kng traditional way nman gusto mo..bgkis ung dag2an mo kz d maiiwasn pg umihi c baby basa din bgkis..pero sa dmit ok n yan..1mo n baby q puro tshirt n suot nya at onesies..d q n pnpasuot ung mga baru2an..

Hi sis. Sakin tig 3 na Shortsleeve, sleeveless at longsleeve. 7pairs of bonnets and mittens, 6 shorts and 6 jammies. Sobra na yun mamshie. Kasi ang damit nila need labhan agad. Sa case ko, every other day ako naglalaba kaya di sya nauibusan talaga. Mabilis din kasi lumaki mga baby.

Okey na po un tig 6 pcs . Saakin tig 12 pcs pero puro preloved ksi sakin ska mura lng ang bili ska ako 4 lng kmi sa bhay c hubby ako at panganay ko and un baby kya khit 4 days bgo ako mglaba ay okey lng ... kya dinamihan ko na

Ok na po 'yan momsh 😊😊. Mabilis naman pong lumaki si baby eh. At tsaka, kung masipag ka naman pong maglaba or may pwedeng maglaba ay ok na ok na 'yan. Akin nga po tig e pcs pa lang 😅😅

TapFluencer

6 pcs okay na. Pero na observe ko kulang ang anim pagdating sa pajama. Kasi saamin sis,pag naglileak diaper ni baby Damay pati diaper. Kaya palaging palit pagdating sa pajama hehe

Ok na yan madami na yan sis. Sa baby ko mas gamit na gamit ang sando na baru baruan kasi pawisin siya lalo init sa tanghali kelangan naka sando lang

VIP Member

Ako Tig 3 pairs lng bnili ko. And now 1mos plang lo ko pero ndi na kasya sknya mga damit. Yung short nlng magagamit and Yung mga mittens nya.

VIP Member

Khit 3pcs lang ng long sleeves tie side, tig 6pcs ng short sleeved at sleeveless. Mga 1dozen of pajamas, booties and mittens.

Akopo 3pcs each lang dinagdagan kolang yung mga pyjama niya medyo bigsize nadin kasi binili namin na para masuot ng matagalan.

Related Articles