Down's syndome

super stress ako nung ipinagbuntis ko pangalawang baby ko. kaya ata paglabas down's syndrome. lalo akong nastress.. ang hirap tanggapin. kung hindi sana ako nagbuntis ulit at nakontento nalang ako sa isang anak hindi sana ako magkakaron ng anak na ganito. then eventually humihingi din ako ng tawad kay Lord at nagsosorry dito sa baby ko sa mga hindi magandang iniisip ko. pero pag tinititigan ko anak ko, diko mapigilan tlga magselfpity. bakit ako ngkaron ng ganitong anak at bakit tong anak ko ang naging ganito. napakasama ko bang ina bakit diko matanggap ng buo anak ko? pinagppray ko na naway dumating yung time na matanggap ko ng buo tong baby ko.

54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang nararandaman mo mumsh, sino ba naman magulang na gugustuhin na my deperensya ang anak? Kapit ka lang kay Lord, Darating din yung araw na matatanggap mo na si baby ng buong buo. Pero wag mo sya pabayaan ikaw lang ang meron sya. Blessing sya sayo my purpose ang Panginoon kung bakit sya binigay sayo.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi mo kailangan kaawan sarili mo. Lalong-lalo na anak mo. Anak mo yan kahit ano pa siya at sino pa siya dapat mo siyang mahalin, tanggapin. Biyaya ng Diyos yan. Mahalin mo siya. Teacher din ako at the same time, nagtuturo ako ng mga down syndrome na bata, at magagaling sila, mababait, magalang, malambing. 💛

Magbasa pa
6y ago

i have fren down syndrome worst may butas sa heart one nkahospital million ang ginastos yes still sabi nila we will love u still now nakarecover ngayon swerte ang bata biglang umangat buhay nila should i say di bibigay ni lord kong di mo yan makakayang alagaan o tanggapin

Blessing yan Mommy, Ako nawalan ng anak yung 1st baby ko, Halos mabaliw ako nun, minsan nga naiisip ko kahit anong itchura nalang sana basta buhay lang eh. Kaya maswerte ka buhay anak mo. Ingatan mo sya momsh. Anyway 20 weeks preggy na ko ulit 2nd Baby 😊🙏🙏 Tiwala lang kay God.

lahat ng bagay may reason. kung bakit sayo siya napunta, may reason un. alam ng Diyos na eventually matatanggap at maaalagaan mo siya ng maayos. just imagine kung sa iba siya napunta, baka hndi cya maalagaan ng Diyos. Alm ng Diyos kung kanino niya ibibigay ung bata. you are blessed!

VIP Member

Parang meron na din po akong nabasang story na ganito before dito sa Apps. Pero mas na sad naman ako ngayon sa pag basa dito. Kaya mo yan momsh. Lahat naman ng tao naharap bawat araw sa hamon ng buhay. Makakaya mo po yan. Kapit ka lang. At tandaan mo lang na blessing si baby. Aja

VIP Member

Ipagdadasal ko kayo ng baby mo sis. Mas higit kang kailangan ng anak mo, lalo na sa sitwasyon nya. Ikaw na Ina nya lang ang makakapuna sa lahat. Hindi mo kailangan kwestyunin si Lord sa binigay nya sayo, biyaya yan na dapat mong tanggapin, mahalin at ingatan. God bless❤️

VIP Member

Special sya sis..☺️ Binigay sya ni Lord sayu for reason.. Ikaw na mommy nya ang kelangan na makatangap SA knya , ikaw ang gagabay SA kanya😊 di mo mapipigilan ang puso NG isang ina, Basta para SA anak, lahat matatangap, lahat makakaya.. God Bless Po🙂

Magbasa pa

Everything happens for a reason. Maybe you are that strong kaya binigay sayo ang ganyan kabigat na responsibility. Di tayo dadaan sa isang pagsubok na di natin kaya. I believe you are stronger than what you think you are. Godbless.

swerte yan sa family . At anak mo yan , dpat mo lang din xa itreasure at mahalin .. At wag ka ng mgself pity , imbes mgconcentrate ka nlang sa pag aalaga sknia ..

Its a blessing po pero if I know kung May downsyndrom po c baby possible isa po sa family mo o family ng lalaki meron nian or sa relatives namamana po kasi yan