Win Baby's First Solids from Babymama!
Sumali at baka ikaw ang mapiling manalo ng prizes from Babymama! Check out full mechanics here: https://tap.red/q5sh6

As a first time nanay, isa sa mga milestone na pinakaabangan ko talaga is yung pwede ng kumain ng mga solid food si bebe, para hindi na lang puro dede ko at daliri nya ang panggigilan nya hahaha. Pero bago po natin pakainin ng mga solid food, dapat daw is nameet ni baby lahat ng mga requirements or nagpapakita na siya ng mga signs na ready na nga sya. Sa ngayun po dahil mag 3 months pa lang bukas ang aking anak, patuloy lang ako sa pagreresearch kung anu nga ang magandang unang ipakain sa kanya. Kaya naman pag dumating na ang araw na yun para sa akin dahil siya ay mayroong magulang na health conscious, mahilig sa gulay at prutas, at hindi pihikan sa pagkain aba syempre dapat ganun din ang baby namin. Kaya hahandaan ko po sya ng mga masustansyang gulay gaya ng patatas, broccoli, carrots. Prutas gaya ng apple, banana, peras, avocado. Pwedeng pureed or mashed, pakulo lang at walang mga pampalasa. Pwede rin po mag lugaw walang salt hahaluan ko na lang ng breastmilk. At dapat dahan dahan lang ang pagooffer ng food para di sya mabigla at magsawa. Saka dapat wag agad iba iba ang ipakain para madaling matukoy din kung may allergy siya sa pagkain. Basta dun lang po ako sa mga natural na food at hindi processed or synthetic na pagkain. #BabyMama
Magbasa pa


