6 Replies

Hi mummies,pano kayo mag budget? Ako kase ganito... Monthly salary ng hubby ko is 15k a month,Monthly bills namin sa house Ang sweldo niya weekly ay 3900 Kapag ibinibigay niya sakin ang sweldo hinahati hati ko na,like mag tatabi ako ng 200 sa kuryente,tapos 200 din sa internet para sa susunod ganun ulit hindi masyado mabigat, yung tubig naman namin may patubig ang byenan ko naka connect sa poso pampaligo pang laba pwedi na. *Internet 500- (1k ang bill namin sa internet,since dalawang pamilya ang nasa bahay,tig 500) *Electric bill 600 to 700- ( mataas ang binabayaran ko sa kuryente dahil sa kuntador ni hubby naka saksak ang ref,rice cooker,electric kettle,etc. And dalawa ang kuntador sa bahay yung isa is byenan ko nag babayad since sakanila un) *Bigas 25kls 1380-(sa bigas hati rin kami tig25kls kami) Ulam weekly 800- (yan po ay ambagan sa bahay) *Grocery weekly400- (ito yung mga basic needs na stock lang like,luckyme,sardines,coffee,kremtop,sugar...take note sa lazada or shopee ko na binibili ang mga iyan kase mas nakakamura) *super kalan 211 (ito ako na mismo nag babayad di ko na pinahahati byenan ko kase 200 lng naman) *Diaper 300 -(good for 3weeks ni baby) *Off lotion 366 -(good for 1 month) *Alaska 800-(good for 3weeks,breastfeed ako pero sinasabayan ko ng alaska,ayaw niya ng nido at lactum.) PS:okay naman yung 15k for me napag kakasya naman kaya lang wala talagang maiipon,Anyways di rin ako maluho🥺wala akong bisyo,si hubby sigarilyo lang ang bisyo niya 5packs sa isang linggo ponag kakasya niya😆.wala rin akong utang takot ako mangutang 😆 nakikisama talaga ako sa byenan ko🥺

Sana all, ang galing niyo naman magbudget, samin 40k a month kulang pa hahahuhu. Palabas pa lang ang baby niyan. Pero may hinuhulugan kasi kaming motor plus pinag aaral na college. Monthly bills sa kuryente ay 2k+, sa tubig 800-1k. Dalawang bahay kasi nagamit, sa amin and yung sa bahay ng parents ng partner ko.

For monthly bills siguro magtipid kahit papano sa gamit ng tubig at kuryente , on diaper and milk mag tabi na in advance at humanap na affordable na diaper at milk na hiyang kay baby or if breastfeeding ka much better laking tipd din nag storage lang ako ng mga na pump kong milk eh since di pwedeng basta basta ko painumin si LO ng di recommended ni pedia… sa food usually mas tipid if may stock or grocery ka na. Tamang pag babduget lang talaga need. Kami ng hubby ko parehas may work pero di namna ganun kalakihan sweldo pero nakakaraos naman nakakapag tabi din. Then try ka din po mag additional income like online selling or mini business ☺️

With milk, magpadede na lang para mas tipid. Kung 1 year old above na ang tsikiting, wag nang follow up milk, healthy foods na lang, buong family ang makikinabang sa ipambabayad sa follow up milk. Diaper switch to cloth, madami secondhand cloth diapers or magpotty train kung malaki na si baby. Share ko ung budget ko. 12k lang kami per month. Kase un lang sweldo ni hubby. Insurance + groceries + utilities + gas 3 kami plus another baby on the way

cloth diapers po! medyo mababawasan ang gastos nyo sa diaper pwede naman sa umaga lang gamitn tapos sa gabi na yung diaper talaga mas makakabawas gastos kahit pano. plan nyo na po yung food nyo mas okay kung yung ulam ay may sabaw dahil kahit konti basta may sabaw oki na

VIP Member

buy only what you need, tapos ung budget friendly price like sa puregold or sa market bumili. sa diaper ung budget friendly pero hiyang kay baby pata wala rashes. ganun rin sa mikk. or breastfeed po?

Super Mum

make a list ng mga bayarin for food make a meal plan

Trending na Tanong

Related Articles