SANA MAY MAGADVICE PO SAKIN KUNG ANO DAPAT GAWIN, SALAMAT POπŸ™πŸ™

Sorry po kung dito ko na lang ilalabas ang saloobin ko mga mamsh sobrang nasasaktan ako hindi ko maiwasan maglabas ng galit sa kuya ko nababahala ako kasi muntikan pa naman ako matamaan ng upuan ng ibabato nya sakin buti binilisan ko yung lakad ko, muntikan na din nya sirain kwarto ko. buti kama lang yung nasira. Nagsimula kasi pinagsalitaan nya ko ng hindi maganda dahil nagpabuntis raw po ako. nagalit ako sakanya pinagsalitaan ko din sya ng hindi maganda. yung asawa nya imbes na pagsabihan lalo kunukonsinte, maraming sinabing masasakit na salita sakin, keso nagkaganito ako. gusto ko na ho silang ipakulong dahil ang dami na po nyang ginawa sakin lalo na sa mga gamit ko ninanakaw nya at sa mga ate ko kahit sa gamit din ng ibang tao. addict po kasi sya. sobrang sama nya, gusto ko na syang ipakulong kaso sabi ng ate makakalaban ko ang nanay ko kasi ang nanay ko kampi sakanya. pagisipan ko raw mabuti kung ipapakulong ko yung kuya ko. Hindi ko na po alam gagawin ko iniisip ko din kalagayan ko kasi bigat ng pakiramdam ko iyak ako ng iyak dahil sa galit sakanila. ayoko po sana pastress pero namumuro na sila. parang hindi nila iniisip kalagayan ko. imbes na sila masasandalan ko sa ngayon na kailangan ko sila. pero hindi eh, oo naging kasalanan ko nagpabuntis pero walang kasalanan yung baby dinadala ko😭 need ko po ng advice pls. tulongan niyo po ako pls. 25 weeks and 6 days na po akong preggy. #1stimemom #advicepls

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

huminahon k rin Po muna. mag palamig or lumayo ka muna sa kuya mo. remember na buntis ka and si baby dapat Ang unang iniisip mo.. Hindi k Nila matutulungan Kung Hindi k rin mag papakumbaba. may mga pag kakamali Tayo pero isip muna Kung makakabuti bng sumagot Tayo or manahimik muna. humiwalay k nlng agad pag nagka work kana.. sa Ngayon kailangan mo sila dahil wala ka msasandalan. kaya lunok lunok na lng muna.. Mali sila pero mali na pumatol ka pa Lalo n Kung makakasama sa pinag bubuntis mo. wala po mapapala pag dinaan lahat sa init Ng ulo.. alalahanin mo n mas dehado k sa kalagayan mo.

Magbasa pa
4y ago

Salamat po mamsh God bless po

Advice ko lang mamsh pwede nyo yan sila kasuhan sa pulis kase harassment and stealing ang ginagawa nila. Pwede kayong magfile ng obstruction of justice kase ganyan like nanay mo mas kinukunsenti ang kuya mo na mali naman. Wag ho kayong matakot, mas tutulungan kayo pag kakasuhan mo sila. Isipin nyo rin po kalagayan nyong mag-ina, wag nyo ilagay sa alanganin. Dapat manindigan kayo at matuto kayong lumaban ng di kayo api-apihin ng mga taong kadugo nyo pa. Tsaka delikado yan mamsh dahil addict pala kapatid mo so may laban ka talaga sa kanila.

Magbasa pa
4y ago

Salamat mamsh, laki pong tulong advice mo po God bless po

Sumbong mo na sa pulis at umalis kana dyan asap

4y ago

Salamat po mamsh πŸ˜” God bless po