sibling rivalry
Sorry for the long post... Kasama namin sa bahay ang parents ni hubby with my 2 kids.. 4 years old and 9 months old baby both boys sila..since pinagbubuntis ko yung 2nd child ko pilit kong pinaparamdam sa eldest ko na love namin sya kahit na magkakaroon sya ng kapatid. Agree si hubby na dapat ganon gawin namin para hindi lumaki na katulad nilang magkakapatid na layo layo ang loob, inggitan. Before ako manganak lagi na tinutukso ng mga in laws ko yung eldest ko na kapag dumating na yung baby yun na katabi nila matulog, tapos ngayon na medyo nakakaaliw na si youngest madalas ikinukumpara lalo kapag nakaharap si eldest. Hindi ko gusto yung feeling na parang dinadown nila yung panganay ko. Ramdam nila na parang lumalayo loob sa kanila pero lagi pa rin ganon pinapakita nila..ayoko naman sila iconfront dahil matatanda na madaling magdamdam. Ni-rely ko kay hubby hindi nya din alam pano sasabihin ng hindi sasama loob ng parents nya.. ayoko lumaki ang anak ko na lagi sila kinukumpara sa isat isa ng kapatid nya..
Nurturer of 2 handsome superhero