Sana po masagot nyo ko agad

(Sorry agad sa pic) Baka may kapareho ko din 22weeks and 6days preg.umihi lang tas may umagos na dugo di naman po karamihan tas may buo na din po sa ngayon dipo sya masakit pero nung mga nakaraang araw lagi masakit yung magkabilang tagiliran ko at pagitan ng ari ko please po sana may makasagot kung ok pa bato? #AskDoc

Sana po masagot nyo ko agad
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan po aq dati nag pre term labor po aq, nung una pakunti kunti lang ang dugo nagpacheck up at ultrasound aq ok nmn c baby pero after a week umulit xa at tuloy tuloy na po pagdurugo hanggang sa sinabi sa akin na patay n daw po c baby kaya kailangan n ilabas tru normal delivery at muntik n din aq matanggalan ng matres dahil tuloy tuloy pa rin ang pagdurugo kaht nailabas q na c baby year 2010 pa po nangyari un kaya po dapat po talaga magpacheck up kaagad kau kung may nararamdaman n kakaiba

Magbasa pa

go to your OB ASAP, di mo na dapat pinatagal yung nafeel mo na last time na pagkirot ng tagiliran, sa case mo red talaga yan e. sakin kahapon nagspot ako pero brown at konting konti lang, 8months preggy ako pero pumunta ako agad sa OB ko and na-IE ako. binigyan ako ng pamparelax ng matres at bedrest lang since closed cervix ako baka kasi magproceed sa true labor kung di ko raw inagapan agad. di okay ang dinudugo pag buntis ka kahit konti pa yan.

Magbasa pa

Nako pa check kana.. aq nga may tumulo lang check up agad aq lahat ultrasound.. kasi katakot pag may blood na.. pero normal nmn sakin lahat.. pero mas maganda mag pa check up ka

dapat po once na nag spotting po ang buntis lalo na sa mga weeks na yan pa konsulta agad sa OB para maagapan kung may komplikasyon

Punta ka sa OB or sa ER. Kung mag hihintay ka pa ng sagot dito ewan ko na lang mostly isasagot nila is punta la sa ob or er ASAP

ER na, masakit ang balakang ko na parang may uti yon pala may subchorionic hemorrhage na ako. ER na agad ma agapan mo

yung ganto di na dapat pinopost. nagpapacheckup ka na dapat. delikado na kayo ng baby mo nagagawa mo pa ipost. 😀

mag pa check up na po wag na mag tanong pa ang doctor Lang ang dpat mo tinatanong wag ipagwalangbahala

Mommy kmusta? Sana po na rush ka na sa hospital.. delikado po kasi baka mag preterm labor ka

pa emergency ka na

1y ago

walang sagot o remedyo kaming mabibigay. isa lang ang malinaw pedeng maagas ung baby mo kaya magpa emergency ka na