?
Sobrang stress ko na po kasi 4 months pa lang baby ko buntis nanaman ako, breastfeeding po ako and nag ingat naman kami ng husband ko pero nabuntis parin ako. Kami lang dalawa ng baby ko lagi naiiwan sa bahay, malayo sakin magulang ko kaya hindi ko alam kung kakayanin ko ba to mag isa. Pero lagi ko sinasabi sa sarili ko na kaya ko to, para lumakas loob ko. Sino po dito yung same situation ko na nakayanan nila. Paano niyo po nakayanan? Any advice po ?