38 weeks today FTM

Sobrang nap-pressure na ako kasi inaagad na nila ako na manganak. 36 weeks pa lang nainom na ako primerose, buscopan, pineapple juice tapos exercise and all pero until now 38 weeks closed cervix pa rin. 😔 sinasabihan na ako ni Ob na hangga't maaari wag na magpaabot ng 40 weeks dahil nalaki na si baby sa tyan. Hindi ko ineexpect na etong stage na to pala ang pinaka nakaka stress at pressure sa buong pregnancy journey. 😢 #firstbaby #pleasehelp #advicepls #firstmom

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you po, momshie! nong 35 weeks ako, nag 1cm na cervix ko. Noong pagbalik ko ulit 37 weeks na tiyan ko, 1cm parin ako. Niresetahan ako buscopan at primrose, kaso no effect kaya na stress ako. Noong nagpa-check up ako ulit, bigla pumutok panubigan ko tapos pag-IE sakin, 1cm parin. Ang masaklap pa don ay nakatae na si baby sa loob, 38 weeks na tiyan ko non. Nagulat ung OB ba't daw nakatae e hindi naman ako overdue. Nag search ako, madalas daw dahil sa stress kaya siguro napaaga ang pagtae ni baby. Sa tulong ng Panginoon, nai-normal delivery ko, pero induced labor. Kaya momshie, wag ka lang po ma stress. Pray lang po palagi, kasi nakay baby po talaga ang desisyon kung kailan siya lalabas hihihh. Ingat kayo palagi momsh😁

Magbasa pa
2y ago

Tama po mii hihihih😁

mahirap po kc talaga umabot ng due kahit panganay, ung pinsan ko 2days past due via cs kakahintay na baka mainormal nagkakomplikasyon na kc nakadumi na baby nya. 1week na nasa hospital pa din. 38w is the safest for delivery daw, kaya iconsider nyo din po ang CS para kay baby, or induce, kaso masakit daw talaga un.

Magbasa pa

mag 2weeks nakong 2-3cm pero di tumataas cm ko nagpaultrasound ako ulit cord coil daw si baby kaya di tumataas kaya naman daw inormal wag lang daw aabutin ng duedate, ang hirap lang prinepressure ka agad ng iba na magpa CS na daw pero Ako ayoko ko Hanggat kaya ko di muna ako papa CS

Akala ko dahil 2 weeks na ako nag take ng mga primerose at naglalakad lakad and all baka kako open cervix na kaso wala pa rin 😥

Ganyan din ako until 40weeks ininduce na ako. Mas masakit sa natural labor, Ending ecs ako

2y ago

32 hrs na ako naglabor and nastuck ako sa 8cm. Di na hinintay mag 10cm kasi biglang bumaba heartbeat ni baby, cord coil na pala sya. Nag start lang ksi ako sa 1cm, nagpunta ako sa hospital no contraction talaga

Good luck po! Praying for your sage delivery and kay baby.

Keep praying mommy and do walk po