First Pregnancy

Sobrang nadodown po ako, yung partner ko po kasi naghihinala na baka hindi sa kanya yung dinadala ko dahil hindi daw tugma ang weeks sa ultrasound at date kung kailan may nangyari samin. Sya lang naman po ang gumalaw sakin ang sakit sakit lang na pagbintangan nya ako ng ganun. If ever po pwede ko po ba mapa DNA si baby kahit nasa loob pa ng tyan ko para mapatunayan ko pong sya ang tatay. #advicepls #pleasehelp

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madalang tumugma ung sa ultrasound at sa LMP mo. Ultrasound kasi base sa laki ng baby. Meron baby na maliit or malaki. Kaya pag niultrasound pede cia maging weeks ahead or behind. Hinde din accurate LMP pagbasehan ng weeks lalo na if irregular ka. Kasi minsan late mag ovulate. DNA test after manganak pede gawin. Medyo mahal pero para sa peace of mind mo GO! Meron din procedure na mag amniocentesis during pregnancy. Pero risky at mukang sobrang mahal non dito. Wala ata cia test sa pinas or madalang.

Magbasa pa
Related Articles