Loneliness

Sobrang lungkot di ko na maintindihan ang sarili ko. Normal na masayahin ako na tao pero bigla na lang pakiramdam ko nagiisa ako. Siguro nga nagiisa kase talaga ako. I am having my rainbow baby now. Last week naoperahan din ng Cerclage due to Incompetent Cervix and Threatened Miscarriage. It all started ng magpaalam sakin ang friend ng husband ko na mag get together daw sana silang mga friends which I agreed. Napaka hardworking ng hubby ko isa syang Operator/driver ng isang Transport Services. Matiyaga sya magwork lalu na at siya lang ang nagwowork dahil di na ako nakabalik sa work for my baby. So sabi ko sa kanya magenjoy sya bonding kasama friends nya at wag magpakalasing. Nagiisa ako sa bahay malayo ang mga kapatid at sa tatay. Medyo madami ako restrictions sa pregnancy ko pero wala naman ako magagawa nagiisa lang ako. Walang gagawa para sakin kundi ako lang din. Nung araw na yun bigla na lang akong di nakareceive ng text or message galing sa hubby ko. Sobrang nagalala ako kase di naman sya ganun. Wala ako tulog dahil tawag ako ng tawag sa kanya. Inisip kong magdrive papunta sa lugar ng friends nila na malayo ang lugar baka kase naaksidente ang asawa ko. Sinubukan ko kontakin ang mg friends ng asawa ko pero wala ni isa man lang na nagseen ng messages ko. Takot na takot ako di na nakatulog dasal ng dasal na sana safe ang asawa ko. Iniisip ko na ang magdrive para hanapin sya kahit mahigpit na pinagbawal ng OB ko. Pero di ko maintindihan na parang nagsasabi sakin na wag ka umalis at baka mapanu pa kayo ni baby. Nagdecide ako na wag na umalis at magdasal na lang na walang nangyaring masama. 6.30 ng umaga iyak pa din ako ng iyak sa sobrang pagaalala at nerbyos. Sorry ako ng sorry sa baby ko kase alam ko nararamdaman nya ang takot ko. Tumunog ang phone ko msg galing sa asawa ko. Sorry nakatulog daw sya. Lahat ng pag aalala at takot ko e naibsan. Thank u Lord ok sya pero bigla na lang napalitan ng awa sa sarili ang nafeel ko. Naawa ako sa sarili ko na natiis ako di uwian ng asawa ko. Lasing daw sya. Di man lang naisip na may buntis syang asawa at nagrerecover pa sa operation 3 days pa lang nakakalipas ang operation ko na sobrang nagaalala sa kanya. Di ako nakatulog ng buong araw at gabi. Akala ko uuwi na sya. Pero hindi pa. Umuwi sya ng gabi na kinabukasan Sabi nya work daw muna sya. Sobrang masama ang loob ko. Awang awa ako samin ng baby ko. Nagsorry sya pero di pa din talaga ako ok kaya pinili ko muna na di sya kausapin. Ayoko kase magsalita at masakit at magsalita. Hanggang sa mga susunod na mga araw nagpapaumaga na sya sa work nya. Minsan may araw na kung umuwi. As in kaya nya na hindi na ako uwian at all. Alam ko na madami kame bayarin kaya sumasagad sya lagi sa work at madami kame dapat bayaran at pagipunan. Pero nakalimutan nya na ata kung ano ang nararamdaman ko. Napaka insensitive at napakaselfish. Ito ako ngayon medyo nasaaanay na din mag isa at mag 1 week na din kame ganito pero minsan dumadating ako sa point na iyak na lang ako ng iyak kase narerealize ko na lagi ako nagiisa. Kapag may nararamdaman tiis lang kinakaya ko na lang mag isa. Iniisip ko na lang kasama ko ang baby ko sa tiyan ko kaya di ako nagiisa. Casual lang kame naguusap ng hubby ko wala na yung lambingan at dating samahan. Lungkot na lungkot ako. Minsan takot na takot pa sa madaling araw. Madalas naiistress ako pag gumagabi na at nakakarinig ng ano mang kalansing sa loob ng bahay. Di ko na alam paano sumaya ulit. Ano kaya ang dapat ko gawin?

Loneliness
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh, libangin niyo po ang sarili niyo kasi nakakaapekto po yan sa baby. Yung problema niyong mag-asawa pwede niyo pong pag-usapan ng maayos, sabihin niyo po sakanya kung ano yung mga bagay na kinasama ng loob ninyo para aware siya kasi minsan ganyan talaga yung ibang lalaki parang hindi nila alam kung ano ba talaga kinagagalit natin kaya need pang iexplain sakanila. Sa pagiging malungkutin niyo naman po, ganyan rin po ako lalo na nung 1st trimester super selan ko at sensitive sa lahat ng bagay laging umiiyak kasi laging naiiwang mag-isa sa bahay tapos yung partner ko nasa ibang bansa din kaya wala akong choice kung hindi libangin sarili ko kasi kung hindi ko gagawin yun mababaon lang ako sa lungkot at maaapektuhan lang ang anak ko. Kaya mo yan mamsh, pray kalang iiyak molang kay God kung ano yung hinanakit mo after nun tignan mo giginhawa na pakiramdam mo. Get well soon rin hopefully successful operation 😇

Magbasa pa
3y ago

salamat sobra mii. sarap pala sa pakiramdam na kahit papanu nakakapag confide ka sa mga kaibigan na hindi mo kilala ng personal. reassuring po sa pakiramdam. sana matapos na ito. iisipin ko na lang si baby above all. di na din naman ako kinakausap masyado ng hubby ko at nasasanay na din naman ako. Lord, pls guide me. i will try your advise. siguro need ko lang ang kausap din. hindi ko din kase maihinga ito sa iba. thank u mii.