Sobrang fussy ni baby sa hapon/gabi.

Sobrang fussy ni baby sa hapon/gabi.Hi mga mii. Magandang gabi! Gusto ko lang ishare yung scenario namin with my one month old Baby during night time, mostly pagpatak ng hapon (4-5pm) hanggang gabi (8-9pm) na yun. Breastfeeding kami ni Baby sa araw, pero pagpatak ng hapon, kahit kakadede pa lang niya sa akin eh feeling ko gutom na gutom pa din. Tried offering ng paulit-ulit magkabila yung dede ko but still niluluwa na niya (with matching iyak, sipa/tadyak, at magalaw na kamay). No choice kundi i-bottle feed kasi pakiramdam ko eh nababagalan siya sa gatas ko or wala na siyang makuha. Nakakaawa si Baby pag ganun, di talaga namin matiis na hindi ibottle feed. Pag nagbottlefeed naman kami, minsan eh formula or breastmilk pag may nastore ako after my pumping sessions (na minsanan lang ko lang din magawa, kaya madalas eh formula). Nasabi po namin na gutom pa siya since nagpapakita po siya ng hunger cues. Nagkakaganyan din po ba little one nyo mga mii? Share naman mga mii kung anong magandang gawin, medyo nahihirapan na din kami, nakakaawa kasi pag naiyak si Baby, ayaw tumahan eh kahit ihele. #firsttimemom #advicepls #pleasehelp

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

myx feed dn baby ko, 1month and 12days. I suggest na magpalit ka ng feeding bottle mii yung madali nyang ma latch yung chupon tska yung nipple mo matatalino kc mga baby alam nila if stin sila nadede. Ganyan na ganyan dn baby ko kapag sken ko na sya padededehin magulo na padyak, liyad, prang nakikipag away siya sa nipple ko 😅 Yun pla inaantok lang kaya mejo nahuli ko na yung tantrums nya. mas malasa kc formula mii at mabigat sa tiyan kaya feeling nila busog tlga sila , yung milk kc nten mas mabilis nilang naddigest kaya feeling naten lagi silang gutom or prang di nabubusog pro kung my na ppump ka nmn sure nmn ako marami gatas mo at nbubusog nmm si baby kht syo siya mag latch 😊gawin mo kpag mggcing siya at hihingi ng dede ipadede mo yung syo dedede yan lalo na kung antok pa siya, gnyan gnagawa ko kyà napapag salit ko sa bottle at sken baby ko ng wlang ka hirap hirap. by the way yung feeding bottle pla ng baby ko Pigeon wide neck super lambot kc ng nipple kya madaling ma latch ni baby.

Magbasa pa
1y ago

tsagain mo lang mii wag mo susukuan😊 kami ni Lo ko ok nkami di na nag iinarte kapag sken o sa bote siya dedede sanay na siya. makukuha mo din gsto ni baby sayang kc milk mo mii

kinakabag yan sis or growth spurt. si baby ko ganyan din, samin naman start ng 5pm then uulit sya ng 12am. ang kaibahan lang ang lakas ng breastmilk ko nagtutulo lagi kaya alam kong may milk syang nakukuha. sabi ni pedia nung nagpacheck kami normal lang yun sa baby lalo yung parang ayaw tanggapin yung nipples. tyagain lang daw at wag sukuan. ginagawa ko pag ganun kinakausap ko sya na magrelax lang, sinasabi ko na nandito si mama at maraming milk para sa kanya. although alam ko bata pa sya pero effective sa amin. ngayon okay na kami. nakakalatch na ulit sya.. tiniis ko lang talaga kasi ayaw ni pedia ng formula since ang dami dami ko nga raw breastmilk at okay ang sucking/latching ni baby..

Magbasa pa

Ganyan din kami nung new born si baby ko mamsh pati ako umiiyak na kasi di ko sya mapatahan sa gabi gabi na lang palaging ganon nahihirapan din ako.. akala ko din baka nakukulangan ng milk ko pero sabi imposible daw yun basta ipalatch lang daw ng ipalatch. Ngayon 3mos na si baby nakukuha ko na bawat iyak nya, hindi lang nya talaga makuha tulog nya 🤗

Magbasa pa
1y ago

sana all mii, masaya na ako pag dumami gatas ko. currently taking buds and blooms malunggay capsule, yun pinalit ko after ko mag-mega malunggay, para kasing hindi hiyang sa akin eh. ano gamit mo mii?

mii...kabag o growth spurt po yan... very normal...baby ko on that age hindi naman kinakabag, gusto karga from 3pm - 7pm ...as in walang upuan tayo lang...mararamdaman nya pag umupo ako...pero eventually, mawawala naman..going 8months na sya, ayun nakakatulog na magdamag 🥰 EBF here

Totally normal po mommy. Growth Spurt yan. Para ma accommodate ang rapid ang growth ni baby, need nya dede ng dede. Lilipas din yan. Unli latch mo lang si baby mommy. Usually growth spurts happen on 4th week, 8th week, 3rd month, 6th month.

same na same sa baby ko na 1 month & 1 wk mumsh. ganyan din sa hapon nagwawala sya tapos ayaw na magdede sakin kaya ending formula kesa magutom sya. huhu di ko rin alam gagawin kaya ifollow ko itong post mo.

Read about Baby Growth Spurts po, lara familiar din kayo just in case may times na applicable kay baby nyo ☺️

Growth spurt po yan... eventually mawawala din po siya kaya tiis po muna momshie.

Di po kaya kinakabag na mi? Pwede din growth spurt.