37 Replies
18 weeks preggy EDD Sept 2, May myoma ako, kaya lagi minomonitor kasi lumalaki kasabay ni baby, since 8 weeks masakit lagi balakang ko, nawala naman na morning sickness kaya takaw ko nanaman, hehe minsan napaparanoid ako kasi nakunan na ko before 😥 so doble ingat talaga ako din and pray talaga,na-feel n'yo ba na parang naninigas tiyan n'yo mga mamsh? si baby naba 'yun? ala kasi ako napi-feel na parang pintig.
sept. 23 EDD ko po, 15 weeks na now. hoping magtuloy tuloy na kasi nakunan na po ako last year. Ngayon lagi ako naiihi nasakit din po minsan tagiliran ko and sa tabi ng puson. lagi akong natatakot naka makunan na naman ako kaya di ko pa po sinasabi na preggy ako sa mga kamag anak namin. iilan palang kaming may alam kasi nililihim ko pa. ayoko na kasi ulit sila masaktan kaya doble ingat ako ngayon.
Ingat ka po mami 😇 ako po bedrest kasi first time mom po 😇🙏
sept.12 😇 16weeks and 6days😇❤ ewan ko kung galaw na ni baby yung nararamdaman ko minsan parang biglang pitik ganun hahaha nabibigla ako minsan diko alam kung sya nayun pero natutuwa ako nakakakain narin medyo hindi tulad dati na hirap kumain kasi parang bloated😅 kain ng mangga lagi natatakam ako lagi hahaha 😅❤😇
sept last 2 weeks duedate ko sabi ni OB. eto constipated mula dumating si hubby kung ano ano kasi kinakain namin hahaha may gana ako kumain basta siya kasama ko. pero kapag babalik na naman siya sa trabaho ayun wala na namang gana kumain hehe. konting lakad lang ayun masakit balakang at puson.
hello sep.8 edd. my morning sickness padin tapos minsan Lang my masakit Hindi Naman araw araw hehe thanks God 🙏 healty po Sana si baby . second baby na Kasi Yung frist baby nakunan ako 3months palang yun at sobra selan nun thanks God Hindi ako maselan ngayun. going to 5months na 😘😘
15 weeks and 2 days here♥️♥️, nauseaous pa rin, pero mas marami nang energy. Lagi din umiihi, excited na din for my first ultrasound, but I'm not sure Kung kailan ba pwede. I'm still waiting for the go signal ni OB♥️♥️👣👣
Malapit na♥️♥️♥️😍😍😍🤭🤭
Sept 18 here. 16 weeks. 1st baby. Nararamdaman ko na si baby lalo na kapag busog parang pitik pitik lang ganon hihi 🥰 Abdominal pain at backache minsan. So far so good 🥰🥰🙏🙏 Hndi ako ganon kaselan.
16 weeks 3days. Laging gutom, parang sinisikmura, magalaw c baby, panay pitik at bubble, Pansin ko din madali ako magalit, sometimes nasusuka pa din at panay ihi kc nga malikot 😆❤️.
Sept 27 15 wks tomorrow. Medyo feel kona si baby. Parang bubble lang pero pintig niya na yun, minsan may abdominal cramps at back ache pero normal naman. Madalas gutom, more antok! Hihi
Edd sept 30. On my 14th week. Nagsusuka pa din at walang apetite. Worried ako if nabibigyan ko ba ng nutrients si baby dahil maselan pa din ako. Praying na kahit paano makakain na ako
Reigne Akyko Montevedra