βœ•

DREAM

#SKL 2 araw. 2 araw akong nanaginip tungkol sa 2 lalaking naging bahagi ng lovelife ko. Ang aking naging Ex ( first love) at ang aking asawa.Sa unang gabi, ang aking asawa ang nasa panaginip ko. Ang scenario ay aalis sya at pinagsasabihan na may kabit sya kaya sya aalis at makikipagkita sya pero balewala lang sakanya ito. Sa pangalawang gabi naman ay ang aking Ex. Sa aking panaginip ay gusto nya makipagbalikan pero nasa isip ko na may asawa na ako at may asawa na rin sya pero parang balewala lang sakanya ang lahat. Na bothered na ko. πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… 1.Sa totoo lang walang issue sa amin ng asawa ko sa "kabit".. 2. Wala na talaga kaming communications ng Ex ko sobrang tagal na dahil nga may mga kanya-kanya na kaming ka-in-a relationship. Sobra akong bothered kasi... 1. Bakit kailangan may mga times na nasa panaginip ko ang Ex ko.? So many times na din talaga simula nung wala na kaming communications. Although naka follow kami sa isa't isa sa Instagram ay wala talagang kamustahan nagaganap bilang respeto na din namin sa mga asawa namin. Pero kinbukasan na nanaginip ako sa kanya ay nakita ko ni-like nya ang post ko na " happy father's day" para asawa ko with caption " we love you". Nagulat ako.πŸ˜… Hindi ko expected talaga dahil yun lang ang naka like sa lahat ng post ko.πŸ˜‚ 2. Kapag kasi nananaginip ako sa asawa ko na may kinalaman sa babae noon pa man bf-gf pa lang kami.. may malalaman ako bukas o makalipas ng ilan araw na may malapit sa kanyang ibang babae, bagong kakilala man o kabarkada nyang babae kaya para sakin " nagiging heads-up ko ito para magmasid at malaman lahat ang may kinalaman sa pakikipag communicate nya sa ibang babae. πŸ˜… For 7 yrs na gf-bf ganun kami kaya may mga on-off din kami dati.. Sa mga panaginip ko duon ko na lang nakikita mga yumao kong kamag-anak na patay na at iba pa. Mga panaginip na sobrang weirdo at kung ano-ano pa na alam kong minsan ay pangitain.... Naiisip ko tuloy minsan parang ayoko na lang talaga managip.πŸ˜…πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ May mga experience din po kayo katulad ko managinip?

1 Replies

VIP Member

Walan naman...hahaha Pray always before sleep

Trending na Tanong

Related Articles