Ilang beses ba dapat mag pa ultrasound sa entire pregnancy?

Sinong same case sakin dito mga mhie, baby boy po ipinagbubuntis ko, pero maraming nag aakala na baby girl daw ito kc hindi man lng daw ako pumangit or umitim ang aking leeg, hindi rin lumaki ang ilong, wla pa po akong stretchmarks. 7 months pregnant here, napa Ultrasound ko na po si baby nung 6 months and baby boy po sya. Late na po kc ako nag pa check up kc late ko rin nalaman na buntis ako. And sa next check up ko, ika- 34 weeks na po nun ni baby, dun pa lng sakin ipapagawa ung CBC, urine analysis, HBsAg, Syphilis Ab, and Blood Sugar. Ilang beses po ba nag papa ultrasound sa buong pag bubuntis? Pasensya na kayo mga mie nakalimutan ko kc itanong sa OB ko.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po Mi, if maselan magbuntis, mas madalas ang ultrasound. Pero since sabi mo po late ka na nakapagpacheck up, most probably total 2-3 ultrasounds na lang yung una mo, then check sa 3rd tri at bago manganak.. Pero common po if di maselan naman at early mo nalaman na buntis ka :1st utz - 1st tri (pagkaalam pa lang na preggy by PT) 2nd utz- 2nd tri (gender or CAS) 3rd utz- 3rd tri (mostly early 3rd tri) 4th utz- bago manganak (BPS) Regarding naman sa boy or girl at pumangit daw o hindi.. depende rin po. Sa 1st pregnancy ko, nangitim sakin lahat- kilikili, leeg, singit. Namaga ilong ko, at basta ang haggard ko nun, nagmanas din ako at naglabasan pimples. sabi boy daw pero baby girl 😅 Ngayong 2nd pregnancy ko,wala akong pangingitim, as in, di rin namilog ilong ko. Sabi nila girl daw kasi maaliwalas itsura ko na blooming daw , pero malalaman ko pa lang yung gender next week kasi due ko ng CAS (3rd ultrasound ko). Sa case ko po, maselan ang pregmamcy ko during 3rd tri, kaya si OB ko, sinabihan na ko na monthly ultrasound pagtungyong ko ng 3rd tri. So yun po, depende po. :)

Magbasa pa
3y ago

ilang weeks ka mi na nagpapa CAS?

VIP Member

Depends sa condition ng pag bubuntis mo. May mga high risk na every 1-2 weeks pinapa ultrasound. Sa case ko naman since sono si ob, every check up may pasilip sya sa utz so di na nya ko nirerequire magpa utz lagi. Pero if napaparanoid naman ako nagpapa utz ako kahit di alam ni ob. Wala sa itsura talaga if lalaki o babae mi. Lumang kasabihan na yan haha. Lalaki din sakin and 8months preggy nako pero di din lumaki ilong ko, ko stretchmarks. Wala po kinalaman ang gender sa itsura natin 🥰

Magbasa pa
TapFluencer

Sana all momshie blooming 😂lalaki din sakin pero hindi blooming 😂😅. nung nalaman ko na buntis ako monthly ang check up ko kasi 36yrsold na ako kailangan imonitor lalo at first time ko. meron pa nga nag 2 or 3 times a month ako nag papa ultrasound kasi minsan meron ako nararamdam na hindi ko alam so ako si first time. go ra lang basta meron budget 😂😅 mura lang kasi dito sa amin ang ultrasound at mabait ang Ob-gyne minsan hindi na nya ako singil. 😁🙏

Magbasa pa

depende po sa case mo. ako high risk ang pregnancy q kaya once a month ako mula 1st month. ako po baby boy din 3rd month palang nakita na gender.. morena po ako pero wala akong kahit konting strtchmarks sa any part,d rin nangitim ang leeg, instead na umitim nag lighten pa balat ko,wala rin kati kati or pangingitjm sa ibang part kaya ganyan din po ako akala nila girl ang baby ko.. im on my 37th week and 3days po. 😇

Magbasa pa

Wag na po maniwala sa mga ganyan. sa lahat ng kamag anak ko at mga taong nakikita ko, lahat sila hula babae kasi nga maayos ako sa sarili ko nung buntis ako kaya walang nagitim or pumangit sa katawan ko... pero sa lahat ng mali ang hula ay iisa ang tumama at yun ay aking mister na simula palang baby boy na tawag nya sa baby nmin☺️ Kaya wag maniniwala. walang katotohanan.

Magbasa pa

depende sa ob yan momsh. minsan pag maselan kada check up may utz. sa akin, naka 5 utz ako, 1 trans v. 1 CAS, 2 pelvic at isang BPS. sa gender, hindi naman kasi true yun sa hitsura ng mother yung basehan. utz is the key talaga. kala nila lalaki pinagbubuntis ko non kasi sinalo ko na lahat pero girl naman. sa hormonal changes kasi yun.

Magbasa pa
3y ago

same case tayo mommy, nag aalala namn Sila sakin Kasi baka nga daw lalaki pinag bubuntis ko Kasi subrang pangit at Ang itim ko. ayaw namn nila maniwala na Ganon talaga mag buntis dahil sa hormonal changes.

depende yan sis, sakin 2 times lang ako nag paultz . 1 transv then isa para sa gender . then yung sa itsura depende , may mga pinag pala na ang ganda padin kahit buntis 💖 mapa-boy or girl man baby nila. pero sakin kasi lahat sila girl akala nila sa 1st baby ko hehe kaya nung gender reveal tatlo lang nanalo kasi boy ung baby ko 😂

Magbasa pa
VIP Member

Depende po yan. Sa experience ko kasi every check up inuultrasound ako ng OB ko 😊 from 1st to last check up. Wala naman po yan sa ganyan mommy. Hayaan mo sila sa mga sabi sabi nila. Mas maniwala ka sa ultrasound. Kapag patuloy ko inentertain mga sinasabi nila magbibigay pa sayo yan ng stress which is not healthy.

Magbasa pa
3y ago

Sakin sis 12 times hanggang last check up ko. Napaaga kasi panganganak ko. 37weeks eksakto emergency CS

same tayo mii, boy din pinagbubuntis ko pera halos lahat sinabi na girl daw, pero nun nagpaCAS ako on may 24th week, boy ang lumitaw, makinis din face ko at hnd rin maxado nangingitim mga leeg ko at di pa dn nangangamatis ilong ko, pero who knows dba haha 7months plng naman kme ni baby, meron pang 2months😅

Magbasa pa

kagaya ko po high risk pregnant 6weeks and 1 day every 2 weeks need ko paultrasound kasi may heavy bleeding ako and dalawang ob-gyne ang pinapatingnan ko. Hope fully maging okay na ang pregnancy journey by next week's saakin din umitim yung nipples and singit ko hehehe ganyan talaga kapag magbubuntis

Magbasa pa