BED REST. CERCLAGE OPTION.

Sino sa inyo mga sis mommies ang pinagbebedrest talaga? Yung tipong medyo risky ang pregnancy journey? Bedrest ako buong 1st trimester then etong 2nd trimester, house arrest lang ako, meaning bawal lumabas and light galaw lang. Pero eto balik bed rest ako at 22 weeks dahil nagkaron ako ng emergency last week kasi umiiksi yung cervical length ko and may risk of pre-term labor. Babalik ako sa OB this week to check results. Depende kung okay na, continue meds and bedrest. Pero if hindi and lumala, mag-undergo ako ng operation na Cerclage. Pero sana hindi na need 🙏🏼 Meron na po ba naka-experience sa inyo? Sa totoo lang, nakaka anxiety talaga kahit tintry ko di mag-isip and magworry samin. FTM din ako sa aking miracle baby na ito after battling infertility. 😐😥 ang hirap pala na maging stable yung emotions kahit ilang beses mo sabihin sa sarili na magpakatatag 🙏🏼 #FTM #2ndtrimester

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello Mamsh! I feel you. Im a PCOS warrior naman. Im 22weeks already, pagpasok ko ng mag5mons saka ako nagselan 3weeks on and off spotting ko pero di naman sya continous talaga. Kaso stop lng sya pag naggagamot ako. Konti lakad lang, spotting ulit. Then kahapon, nanigas na tyan ko at di ko na mafeel masyado si Baby, nag-alala nako kaya balik ulit ako kay OB. Halos dipa natatapos ang September 4x nako pabalik balik sa OB ko. Nakita na threatened pre term labor ako, nagcocontract na ako. Luckily lang hindi pa maigse cervical legth ko which is buti daw naagapan.😔 Pray lng tayo mamsh, napakahirap talaga. Kumain lang ng nkaupo, maligo, mag-cr at manuod ng tv ng nkahiga yun allowed ko gawin.

Magbasa pa
2y ago

hello sis mommy, same tayo 22 weeks 💗. yes. same nagcontract din ako and spotting. 3 weeks ago, maganda ultrasound results ko then biglang ganito. 😶 ganyan din kahit parang malakas ako, di pwede magbigay ng effort masyado kelangan lahat dahan dahan. 😥 multiple myoma naman ako sis kaya miracle baby rin 🙏🏼 nakaka iyak talaga paano kaya ang sinasabi nila na wag masyado magisip. 😥 although tinatry ko naman na di naman lagi kasi nililibang ko self sa kdrama and netflix, pero may moments lang talaga na bigla ko maiiyak 😭 virtual hug sis.

mi always ka magpray and mkinig ka palagi specially morning and bago mtulog ng DON MOEN song. ganian aq nkraan kc 2nd baby q nwla premature kaya konting skit ng tummy q napaparanoid aq. may nagsuggest skin nian. sinunod q naman and it works.. God is Good po ndi nia tayo pababayaan.