Third trimester feels

Sino sa inyo mga momshies ang nakakaranas ng sobrang init na init? Ang hirap tuloy matulog sa gabi 😭 mas madalas na din masakit ang balakang pero kapalit naman nito ay yung mas madalas ng pag galaw at paglalaro ni baby sa tiyan natin 😍 konting kembot nalang mga #TeamJanuary2023 mommies mamimiss din natin yung mga ganitong feeling .. ingat ingat po ❤️

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Present! Grabe. Sobrang init. Pawisan din ako sa gabi kaya di na ako nagkukumot. At grabe din ang sakit ng balakang ko. Lagi kaming nakaleft side matulog kasi yun ang good for the baby. Kaya lang sa sobrang tagal, sobrang nakasakit ang balakang ko at kapag madaling araw dahil babangon ako para mag cr, hindi ako makabangon basta. Buti nalang anjan si Hubby, to the rescue. 😖 Tas kapag naman pumihit ako sa kanan, ayaw ni baby. Grabe sumipa at talagang sinasabing naiipit ata sya kaya balik padin kami sa kaliwang side. 🤣 Pero konting tiis nalang tayo. ☺️Makikita na din natin ang mga baby natin. #TeamJan1 ako pero pedeng mapaaga ngayong December. ☺️ Kabado na excited kasi ftm. ☺️

Magbasa pa