Phinga muna sa work to focus magkababy

Sino sa inyo mga momsh ang long time trying to conceive na? Ano yung mga gingawa nyo para hindi na lang masyado maisip yung pinagdadaanang “ganito” ? And since I am long time trying na din, napagdesisisyunan naming mag-asawa na magstop na muna ako sa work siguro within 6mos to focus on myself, iwas muna sa stress, lahat ng klase ng stress specially “workrelated stress”. Para mgkaroon ng time to visit doctor regularly, do checkups regularly. Lahat ng dapat gawin ng isang TTC. #Conceiving #Asking Please help me momsh to grant out greatest wish and hardest prayer to have a child. 🙏 And baka may masusugest pa kayo na ibang pwedeng gawin para malagpasan at makayanan pa namin tong struggle na to.

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Laban lang po..kami ng husband ko both nag resign from work just to have our lil one. Pareho kaming may promising careers but we chose to sacrifice, umuwi ng province and nag rest.naka buo kami after a year ng pahinga but na miscarriage. Try pa din kami and extra careful na. nakabuo ulit after a year and bedrest for 8 months na nagbubuntis ni hugas ng pinggan di pwede..Ngayon 4 months na baby boy namin. PCOS po pala ako and CS ko pinanganak ang baby ko..malaking factor sa di pagbubuntis ang STRESS so rest and live a less stress life..

Magbasa pa

10yrs kmi ng bf q.. mtgal na kming nagttry until nitong july nagpositiv aq sa pt.. before nian, nagtry aq magpa inject ng gluta for two months. after nian ngtake naman kmi ng bf q ng gluta capsule and collagen juice for 1month. tapos nagstop na aq. after nian, nag vitamins ng iberet. then, mejo nag switch aq sa healthy foods.. madalas aq kumain ng gulay at prutas.. feeling q dhil jn kaya aq nbuntis... kc yan lng nman kakaibang ngawa nmin eh..by the way 7months preggy na aq now.. 😊

Magbasa pa
TapFluencer

my pcos k ba aq 9yrs ttc pcos figther tska plng bniyyaan ng baby boy 1 yr n sya ngyon . first 3 yrs q masipag pa q mgpt. hanggang s hnyaan q n lng. 2019 ngstart aq mg no rice to less rice. sept 2020 nquarantine km mgasawa ng 2 weeks hiwalay km literal ng higaan wl km kmalay mlay dn n mkkbuo doble doz ng vit c . at npahinga n dn.. Tunay n God gives to those who waits . nov n q nkpg pt nun... kpit k lng darating sya s d m inaasahan. take folic acid to prefer your body.

Magbasa pa

i stopped working to conceive din. it was a difficult decision but na-outweigh yung kagustuhan kong mag-anak yung career. and yes, mas madali na rin pumunta sa OB-REI since free na anytime. basta kung ano bilin/plan nung OB, sinunod namin. yung full trust, binigay namin sa kanya. and syempre, wag kalimutan ang mag-pray. after less than a year pagkatapos ko mag-resign and after 7 years of trying, we conceived our first child. he is now 8 months old. 😊

Magbasa pa

first time mom at age of 38 now. stop working din ako then relax lng d ko na iniisip para d mapressure madalas kmi mamasyal pag off sa work mister ko then nag tindahan ako para malibang...tnx sa driver ng taxi hehehhe kung d dahil sa kanya d ko madidiscover na buntis na pala ako kc super inaway ko xa kc hehhehe pag uwi ko nag pt agad ako ayun positive na nga kaya takbo agad ako sa ob at nagpaalaga..now have 5mons cute little boy na...

Magbasa pa

7years bago kmi nagka baby, parehas kmi nag pa check up, kulang sperm count ni hubby, pinag vitamins sya ng rogen-e for men, pero hindi nmn sya nkapag take hehe, ang mahal ksi. tapos 2x a day pa sya dpat i take, binago din namin life style namin, like nka oras na ang tulog at pahinga more on healthy foods, pray everyday.. luckily and miracle na buntis ako, kahit wla tinetake na vitamins si hubby.... im 5 months pregnant now.❤

Magbasa pa

ako mi nagpa alaga ako ng hilot.. kasi nag ttry nrin kme ng partner ko before kaso dahil nga may work ako at mabigat at stress tlga s work ko hirap ako mabuntis kaso d ako makahinto tlaga s work so i decided na mag pahilot ayun naka 2 hilot plang sakin ang baba din ksi ng matres ko at ramdam ko tlaga every time na hihilutin ako nataas tlga . and thanks God biniyayaan n kme.. 35weeks nkong preggy ngaun baby girl❤️❤️

Magbasa pa
2y ago

Yan din sabi sakin ng lola ko na naghilot sakin, magmemens pa din naman daw ako this month and nagmens naman nga talaga ko. Malaman ko pa nxt month kung ano na mangyayari. Basta sinasabayan ko lang din ng inum ng mga vitamins ko. Ska diet talaga. More on nilagang itlog and nilagang saba lang for the whole day ang kinakain ko, and nilagang okra kasi nkakatulong daw yun sa fertility sabi ng lola ko. And tubig and coffee lang. (1-2 cups of coffee) No softdrinks na din ako. I akready posted here na din mu weightloss journey. Pero kasi nakaka 1week pa lang naman ako ng diet ko so we’ll see for the coming months. 😘🙏

VIP Member

Nag-resign din ako 6 years ago para magka-baby. Nagpa-work up kami sa ob a year later but to no avail kahit na wala kong any fertility problem. Ang mahal at mas nakaka-stress kasi ang daming pinapagawa kaya nag-stop kami. Tapos 2 years ago, nag-keto diet kami until last year. This year, may nag-recommend sa’min uminom ng Fern D. Ayun, I’m pregnant na. 9 years namin ‘to hinintay. Darating din si baby mo. Good luck!

Magbasa pa

hi may napanood po ako na hirap magka baby and nagpalaboratory po sya dun po nakita na ung matress nya "lagayan ng baby eh nay nakaharang na tissues. nilinis po.un and right after nagka anak na sya after 20years of trying. sinasabi ko to para sana makahanap.ka ng mag aalaga sayo na ob na hindi puro lifestyle ung iibahin kundi ichecheck kung bat di kayo nakakabuo kung ok naman pareho ang reproductive nyo

Magbasa pa

Ako din po nag resign nung hindi tlga kami makabuo ay stress din sa work, Nagpacheck up at nagpaalaga sa OB at higit sa lahat with prayers. I am now 6 months pregnant 😊 malaking factor din po tlga ang stress kaya Go lang mmy wala pong masama magresign to focus on your self and future family. Nung trying to conceive din po pala kami ay pareho kaming pinainom ng folic acid ng hubby ko everyday 😊

Magbasa pa