PUPPP at 33 weeks

Hello! Sino sa inyo ang same with me na may PUPPP rashes? Grabe sa sobrang kati. Sobrang uncomfortable kahit tulog ka talagang magigising ka para magkamot. Dumami lalo stretchmarks ko kasi mostly sa tyan sya tumubo hanggang kumalat na sa legs, pwet at braso. Niresetahan na ako kahapon ng OB ko ng diphenhydramine at Physiogel lotion kaso sa experience ko kagabi yung diphenhydramine wala pang 5 hrs. ang effect sobrang kati na naman. Aside from this ano pa ginawa nyong pang relief ng kati? Salamat mga mamshies!#advicepls #pleasehelp #firsttimemom

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi sis ako nagkaganyan nung 7 months pregnant ako s a first baby ko sobrang kati halos umiiyak na lang ako, lahat ginawa na wala talagang talab nawala na lang nung nanganak ako. Ang nakakapag relief lang sa akin is yung pag ra rub ng ice at sa sobrang lala ng pangangati ko sa legs binababad ko sa balde na may tubig at yelo. grabeng kati kasi.

Magbasa pa
3y ago

true sis. Lalo pag sabay sabay nangati di mo na alam sang banda ang uunahin. +1 sa cold compress. Kahit pano pag nag numb nawawala ung kati un nga lang mamaya babalik nanaman.