My OB prescribed duvadilan

hi, sino po sainyo nag take din ng duvadilan during pregnancy? nireseta po kasi sakin ng ob ko last check up ko kasi sabi ko sumakit ng puson ko last week.. pero hindi naman severe pain yung naramdaman ko.. nagdadalawang isip lang ako mag take kasi sa mga nabasa ko tungkol sa gamot.. or baka na paranoid lang ob ko sakin.. pa share naman po experience nyo kung nagtake din kayo nito.. thanks

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pampakapit po yan ni baby momshie... ako nmn pinagtake ng duphaston from 2nd-4th month ko dahil ngkaroon ako ng mild abdominal cramps sa early weeks ng pregnancy ko at nakita na meron akong subchorionic hemorhage thru ultrasound then after 4th month nung nkita na ni OB na maganda na kapit ng placenta ni baby at nagresolved na ung SCH ko tinanggal na niya duphaston meds ko at pinalitan nya duvadilan for emrgency use dw. kapag need ko gumala o bumyahe o kapag nkakaramdam ako ng abdominal cramps... qng ano po ang advice ng OB natin sundin mo nalang po momshie kc para sa ikabubuti nyo din yan ni baby😊 God bless !

Magbasa pa