Ako lagi kong napapanaginipan nung dalaga pa ako na mag aampon daw ako ng batang babae, mga 4x din yun sa magkakaibang taon,kaya nagkaroon ako ng fear na baka di ako magkaanak tapos nung mag asawa ako after 3 months pa bago ako nabuntis, nung first 3 months kabado na ako, buwan buwan ako nagpPT always negative nainis na nga si hubby kay dalawa na agad binili niya nung 4th month.First day palang ako nadelay, test na agad, Negative pa rin. Tawa siya ng tawa at sabi niya para sa 5th month yung isa. Pero 3 days na ko delay at di ko talaga nararamdaman yung usual pag magkakaroon na ako kaya tinest ko ulit yung isa at nagpositive na sa wakas. Nung mga 13 weeks nanaginip ulit ako na may ampon akong batang babae. Sa ngayon 14 weeks na ko ngayon, so far so good wala naman problema.
Magbasa pa