Sino po sainyo dito ang nag give up ng career para alagaan si baby? Hindi po ba kayo nadepress or nanibago? I'm currently 12 weeks pregnant and engaged kmi ng daddy ng baby ko. Since nalaman nyang preggy ako he wanted me to stop working na, pero sabi ko kaya ko nmn and he agreed nmn kasi okay nmn daw si baby as per OB.
Now he wanted me to quit my job after giving birth. Para daw maalagaan ko si baby and at the same time makapag pahinga ako. Iniisip ko plang feeling ko dko kaya. Been working as Property Manager since 2016 and sya nmn Property Head din.
I have two reasons bakit ayaw ko huminto. Una, ayokong siya langg mag work gusto ko I have my own income padin ewan ko ba kahit ako nmn humahawak ng salary nya iba padin yung may pera ako and besides may baby na kasi ayokong makapos sa budget just in case. Second, nakakatakot akong dina ako makabalik sa field ko pag nabakantehan ako ng matagal.
But ang tagal kasi naming hinintay yung moment na to, yung baby namin. Even our parents, since mag isang anak lang din ako.
Pa advice nmn momsh, it bothers me sometimes. Kapag inoopen nya yun di ako nagsasalita kasi undecided talaga ako.