Methyldopa, Maatas Ang BP

Sino po sa inyu ang gumagamit ng methyldopa? Bigla kasing tumaas ang bp ko, always nman normal yung bp ko pro now ang taas, naging 140/90 sya huhu. Im only 15wks pa po. Wala bang side effects ang methyldopa sa baby? Pls share ur thoughts

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Since 28weeks uminom na ako methyldopa once a day kc nagpreterm labor ako jan lng sa time na yan nag start tumaas bp ko. Pinaconfine ako ng ob 2days sinaksakan ako ng pangpamature ng lungs ni baby😢kaya lang di ako naclosed monitored ng ob kc hirap ako makalabas dto sa brgy namin for my chek up.dapat weekly ako pupunta kay ob ang nangyari every 2weeks nlng. Hanggang sa umabot ako ng 33weeks chek up ko that time biglang taas ng bp ko malapit na ako magplacenta abruption kaya minadali ako iCS agad to save me and the baby. Sadly dahil sa pagtaas ng dugo nagkaron ng complications sa health ng baby ko 4days sya sa nicu hanggang sa bumigay ang lungs at puso nya😭 minsan iniisip ko bakit kaya once a day lang ako pinagmethyldopa samantala yung iba 3x a day at nairaos nmn nila hanggang fullterm.

Magbasa pa
4y ago

1st tri lg po ako nag aldomet kc bumaba ung BP ko. 2nd tri ko aspirin na. sabi ng OB ko continues monitoring lg dw kc my tendency tataas at 3rd tri. kya my reserve lg ako na aldomet incase tumaas.

1st trimester po yan pinainom sa akin ng OB ko. Safe po yan at prescribe ng OB. Just trust ur OB. If ur in doubt pwede po kaung ng2nd opinion. Bumaba BP ko sa 2nd trimester kya aspirin na pinainom sa akin. Continues monitoring lg ng BP ko daily. 20 weeks preg here.

34 weeks and 4days pregnant here, niresetahan ako ng gamot sa highblood ng ob ko kung sakali daw mag over 100 bp ko, at imonitor ang bp. awa ng dios d po nag oover 100 kya d ako bumili. binawasan ko lng ang kain 😊at always pray.

safe nman po sya momsh. ako po simula nlaman ko na buntis ako pinainum na kagad ako methyldopa kc highblood na ako since ndi pa ko buntis. dibale 4 tablets a day ako and bumababa naman ang bp ko hehe.

Wala po. Safe sya para kay baby. Ako 6weeks pa lang tyan ko umiinum nko methyldopa. Hanggang ngaun na 33weeks na ako. Pero umiinum na lang ako kapag pakiramdam ko na mataas ang BP ko.

6y ago

Ty sa info mommy ❤️

Same tyo maaga din tumaas bp ko sakit na nga sa tenga pag sinasabihan ka ng "hala baka cs yan." eh kung kaya parin ba manganak ng normal basta macontrol ang pag taas ng bp eh.

ako po yan din iniinom ko 13 weeks plng ako,140/90 din bp ko,safe po yan,mas hindi po safe kung hindi ma cocontrol ung bp mo sis

safe po yan for preggy and lactating moms kasi naalala ko yan yung prinescribe ng doctor sa kanya noon. btw, take care 😊

hi mamsh ako po currently 37 weeks na pero continuous pa din po paginom ko and monitor ng bp waiting na lang po manganak

safe po sya at pang buntis talaga Ang methyldopa Yan din iniinom ko ngaun para SA highblood ko 3x aday

4y ago

7months pregnant momshie..