carpal tunnel syndrome

sino po nakaranas sa inyo nito? 30weeks na po ako and lately ko lang naramdaman ito. masakit ang kamay lalo pagkagising. niresetahan po ako ni ob ng neurobion (vit1,vit6,vit12) at paracetamol. kaso same na gamot generic pa lang nabili ko kasi wala sa mercury. pero parang di natalab sakin. so far ang nakaka tulong lang ay hot compress sa kamay ko na parang di ko na dapat alisin 😅 pa-share naman po experiences niyo salamat po!#1stimemom #advicepls #pregnancy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy! Nagkaganyan din ako parang around 28th week ko. Nung una di ko pa pinacheck agad kasi normal lang naman daw hehe. Pero nung nagiging hassle na siya for me kasi nagigising na ko sa gabi sa sakit, nagpatingin na ko sa ortho upon referral ni OB. Same with u, neurobion din iniinom ko now :) Also inadvice niya if keri magsplint most of the time. And ang sabi niya sakin, wag lang daw normal na hot compress ang gawin. Sa gabi daw po, ibabad mo kamay mo sa warm na tubig WITH SALT. importante daw ang salt para "lumabas" yung tubig sa loob. So far, just taking the medication and di ko nagagawa yung salt dahil sa katamaran, pero better naman now kesa dati although manhid pa din kamay ko most of the time hehe pero less pain

Magbasa pa
3y ago

neurobion po ba sapat na? di na po kayo niresetahan ng paracetamol? paracetamol daw po kasi for pain every 4hrs na napapaisip din ako kung ituloy tuloy compare sa neurobion na vitamins siya