mahabang tahi sa pwerta

sino po nakaranas dito na mahaba po ang tahi sa pwerta parang 3rd degree laceration. 2 months na kasi ako nakapanganak minsan kumikirot pa din ung pwerta ko tapos pag matgal nakatayo ang sakit parang may pressure sa pwerta. may ganito po ba sa inyo?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

me sis nag isang taon na baby ko ganon pa din nararamdaman ko hayys minsan nga hirap pa ko magpoops 😑

1y ago

ako sis 10th day pa lang nung nanganak ako. Hindi pa natatanggal yung tahi ko, may kaunting hapdi pa din kaso yung di mawala-wala yung parang may lalabas sa pwerta ko pag nakatayo ako.