Newborn Face Rashes

Sino po nakakaalam kung ano nangyari sa face ng LO ko po?? 15 days old na po sya ngayon. Bigla nalang po lumabas yan nung Sunday morning tapos po padami ng padami. Nagpa-pedia po kami kahapon and wala naman po nabanggit kung ano yan. Basta po niresetahan kami ng HYDROCORTISONE cream. Nag-apply na po ko sa LO ko once kanina pagkaligo nya and amoy goma po yung cream. Nakagamit na po ba kayo sa LO nyo ng cream na HYDROCORTISONE? And may nakaexperience na po ba sa inyo na nagkaganito LO nyo? Never pa po namin sya hinalikan sa face and everyday din po ligo nya. Wala po syang ganyang rashes sa katawan. Sa face lang po. Salamat po sa sasagot. FTM here. P.S.: Yung last photo po yung before nya

Newborn Face Rashes
115 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ipang linis mo sa face niya gatas mo sis saken kay baby ganun gawa ko everyday

Milk m lng po igamot m jn mommy,, wag muna po gamotin ng kong anu anung gamot

baka po ba kasi kinikiss ni daddy kahit hindi pa nakakapag ahit ng bigote😊

lactacyd baby wash poh... pati yung sa head sa bunbunan mawawala dn yun...

Breastmilk mo sis, effective yun. Then wag ikikiss si baby.

Same prob momsh ,pero nabawasan napo sa LO ko , normal dw po talaga yan.

Nagkaganyan din dati ang anak ko.Lactacyd baby bath lang ang ginamit ko.

Wag nyo po muna pahalikin sa kahit kanino.. sensitive po skin ng baby .

Mgpalit lagi ng mittens khit 2x a day linisan mo sia bgo mtulog sa gabi

Calmoseptine try mo mommy . After 5days nawala rashes ng baby ko

Post reply image
Related Articles