baby's gender

Hi sino po nakaexperience ng disappointment nung nalaman gender ng baby? How did u cope up with the disappointment? Ako di ko kakayanin kasi.

108 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Na experience ko yan mamsh sa 2nd baby ko. Hoping kami ng baby boy. Sobrang laki ng tiwala ko na baby boy na si second marami kasi ng sasabi na boy daw, lahat ng symptoms ko pinapakita na boy sya tapos si panganay namin baby boy ang tawag sa kanya. 1st utz ko hindi sya ngpakita ng gender. Hoping parin kami na boy. Nung nag second utz na ako nagpakita na sya sobrang nalungkot ako nung nalaman ko na girl ulit to the point na paulit ulit ko pang tinanong kung girl ba talaga at binalak ko pa magpa second opinion. Hindi ko din agad natanggap sobra kong nalungkot naiiyak iyak pa ako. Buti nalang may support ako ng partner ko pag uwi nya galing sa work deretso kami sa mall ng shopping nalang kami ng gamit ni baby ayun medyo naging ok ako hanggang sa natanggap ko na. Ngayun 2months na si baby girl ko and sobrang happy ako kasi healthy sya. Stay possitive lang sis. Isipin mo nalang na di pa right time para ibigay sayo yung gusto mo.😊😊

Magbasa pa