baby's gender
Hi sino po nakaexperience ng disappointment nung nalaman gender ng baby? How did u cope up with the disappointment? Ako di ko kakayanin kasi.

Sa akin naghahangad talaga ako ng baby girl, kasi may boy na yung panganay ko eh. Pero as time goes by, habang nararamdaman ko yung hirap ng paglilihi at pag aalala ko na sana ok lang siya naisip ko na kahit ano na lang pala basta malusog siya at walang kulang sa kanya. Yung sana mairaos ko ng maayos yung pagbubuntis ko, yung sana kahit anong hirap kakapit lang siya kasi mahal ko siya. Tapos nung ika 5th month ko nagpaultrasound kami, kabado syempre pero excited. Ready kami kahit ano gender nya basta malusog talaga. Baby girl ang binigay sa amin, yung saktong gusto namin ibinigay sa amin 🤗 Pero nasabi namin ng asawa ko na okay lang din kung baby boy ang nakita mahal pa rin naman siya. Point is, di natin dapat binabase at kinukundisyon sa gender yung pagmamahal natin sa anak naten. Dapat mahalin natin sila kahit ano pang kasarian nila kasi regalo sila sa atin.
Magbasa pa

