HIV Test

Sino po nag pa test na ng Hiv blood test dito? May nabasa kasi ako na may interview during na kukunan ka ng dugo, what po tinatanong?, Thank you

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahapon nagpa blood test ako sa isang private hospital and ininterview ako doon after ng blood extraction ko. May mga sets of questions sila na maseselan like ilang partners ang nakatalik mo noon, anong age ka naging active sa sex, nasalinan ka ba ng dugo, kung nagkatulo ba daw before etc. Share ko dito pra aware mga FTM about sa interview nila.

Magbasa pa

Hi sis ganun tlaga formulation ng question kasi nakabase un sa modes of transmission ng HIV/AIDS: sexual contact, blood transfusions, injecting needles, and mother-to-child. Kaya natatanong ung if gumagamit ba ng condom to check kung practicing unprotected sex, sex with multiple partners, nagdonate ng dugo, mga ganun po 🙂

Magbasa pa
VIP Member

Sakin po (private hospital) may questionnaire (awkward questions pero keri lang haha) then right after may short closed door talk lang about HIV. Discuss lang saglit ano ito and pano makukuha or mapapasa. Yung blood na gagamitin, isahang extraction lang para sa ibang lab test rin like sugar test etc.

Magbasa pa
VIP Member

Common things like.. Galing ka ibang bansa? Nakailang sex partner ka na? Nagkaroon ka ba ng foreigner as a partner? Gumagamit ka ba ng protection? Have you ever experienced odd discharges? Ganern na tanong lang. Di naman sila tulad ng ibang tao dito sa app na judgemental.. don't worry. 💪

Magbasa pa
5y ago

sorry, momsh ano po meaning nung odd?

Usually sa center po ito ginagawa kung sa ob wala naman tanong. First, may sasagutan kang form. Magdidiscuss sila about HIV at kung saan talaga nakukuha. And may mga personal questions po sainyo. Please, sagutin nyo po nang totoo ang mga katanungan nila kahit awkward.

May papel n papasagutan tapos Yun n po. Kukuhanan k dugo.. pag may nkita tatawagan ka nila for counselling siguro or irerefer ka sa mas malaking hospital.. Pag normal nmn result kukunin mo lng result sa knila. Gnun dun sa hospital n pinuntahan ko.

Ang protocol for HIV test talaga is may counseling. Normally tinatanong nila kailangan ang last contact mo, paano ang lifestyle mo noon, then explain nila bakit need ng new mons magpa-HIV test

Ako momshy nung nagpacheck up sa lying-in may hiv testing sila. may fifillupan ka lang na form may mga ilang katanungan na sasagutin nandoon nmn yun sa form and then pagtapos noon hiv test na.

sakin kasama na sya s lahat ng lab test... wala naman tinanong kase package n sya ang concern lang is regarding sa pagbubuntis

VIP Member

Baka pag sa center yung ganyan. Ako wala namang question and answer portion basta kinuhanan lang ng dugo e.