Good am
Sino po may mga hypermesis na mommy? Mag 3months na baby ko bumaba narin timbang ko dhl hnd ako nakaka kain at inom. Pwd puba makahingi ng tips para sa may hypermesis. Thankyou

Ako. Haha. Hirap nga kasi akala ko mawawala ngayong second trimester pero parang mas lumala lang. Niresetahan ako ng antiemetic ng OB ko. Plasil yung iniinom ko para magamot yung nausea and vomiting ko. Tip ko mommy is keep yourself hydrated. Pag nagsusuka kasi tayo, sobrang daming electrolytes ang nawawala sa katawan natin. Pinag gatorade din ako pag sobrang dami kong sinuka para marefill yung electrolytes. Kapag naman tubig ang iniinom ko, hindi ko binibigla ng malamig na tubig. Pakonti konti lang pero madalas. Pag kumakain, iwas ako sa mga oily na pagkain kasi mas nakakapagtrigger ng suka ko. Wag din inom ng inom ng tubig kapag kumakain. Iniiwasan ko na mabusog ako ng sobra. Laging sakto lang kahit ilang beses ako kumain. Plain crackers and saging kapag wala ka talagang gana. Wag ka din iinom ng milk kapag ramdam mo na masusuka ka. Nakakatrigger ng suka yung fats na nasa milk. Sa pag inom ng gamot, sinisigurado ko na di ako iinom ng gamot after kumain. Mga 1-2 hours after kumain saka ako umiinom para in case masuka ako after kumain, hindi sayang yung gamot.
Magbasa pa