Telling the truth...

Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Youngest ako sa fam namin, 4th child to be honest. Wala pa talaga sa plan ko magka anak kasi 26 pako. Gusto ko muna ienjoy yung buhay ko na as a dalaga. Ako yung tipo na after 3 months ako datnan ng period. Pero nung lumagpas na ng 4 months, dun nako nag worry. Kala ko kasi na PCOS talaga 😢 kaya nagpa check up agad ako kasama ko si bf sa isang OB at dun namin nalaman na preggy na pala ako. Sobrang shocked ko pa nun kasi ayaw pa mag sink in sa utak ko na may baby na sa tiyan ko. Umiyak pako nun kasi sobrang kaba ko. Pano ko sasabihin kila papa to. Ayoko atakihin sila sa puso kasi above 60 na yung mga edad nila. Una, chinat ko sila sa fb. Tas ang last part ng message ko, "chat nyo lang ako pag ok na kayo. Takot ako na atakihin kayo sa puso". Tas nag reply agad si mama ko sabi, "ok lang yan nak. Nasa tamang edad ka na din naman". Dun ako umiyak lalo. Tas yun tumawag ako agad at hindi ko iniexpect na tanggap nila yung nangayri sakin. At ngayon, excited na sila sa unang apo na lalaki nila. 💞 Alam ko na hindi easy, pero dahandahahin mo yung pagsabi sa kanila. Matatanggap din nila yun. =)

Magbasa pa