Pupu once a week

sino po dito same case kay baby ko. 2 1/2 months na po siya, pure breastfeeding Once a week lang magpupu. Pero normal lang naman texture and color ng pupu nya. Mejo mag amoy na nga lang. Sabi ng pedia niya constipated daw yun magwater daw 1oz twice a day. Pahingi naman po advice. Ok lang na talaga magwater na kahit 2 months palang? Di ksi ako kumbinsido ng pedia kasi distracted sya during consultation. Cp ng cp. pwede na daw sa 90days na baby eh wala pa kakong 90days baby ko. Dedma naman hays#pleasehelp #firstbaby

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sabi ng pedia ng lo ko mamsh as long as nakapoop sa isang linggo ok lng un. Normal dw ub lalo kung pure breastfeeding kasi naabsorb dw lahat ng nutrients kaya madalang magpoop. Pagka lumagpas ng 1 week aun dw ang dpt alalahanin. Try nyo po paconsult sa ibang pedia kungdi po kayoconvice sa pedia nyo ganyan po gnwa ko ngayon so far ok nmn po bgong pedia ng baby ko.

Magbasa pa

normal po yan sis.. ganyan den ako nung una ftm den. 2mons baby ko nung 17 pure bf den .. kakagulat naman yang advise nayan.. wag nyo po painumin ng tubig baby nyo baka mag tae.. sabe po 6mons bago sya painumin ng tubig.. kahit nga po panligo ng baby ko mineral eh. kasi takot ako makainom sya ng tubig kahit konti lang..

Magbasa pa

normal naman yan momsh. same here po kay baby ko. 2mos old once a week minsan mag poops. pure bf din sya. as long as di hirap magpoops si baby ok lang yan. and pls no water until 6mos na sya. according na din yan sa DOH, kaya nakakapagtaka bakit inadvise ka ni pedia ng water to think na breastfeeding naman kayo

Magbasa pa
3y ago

Kaya nga po mommy eh. Nagulat ako pinagwawater baby ko. Dko talaga sinunod mommy kasi alam kong dipa kaya ng tyan nya. Hays. Thank you po mommy!

Tanong lng poh pasible poh bah na mabuntis kaht 3month palng poh nanganak pero namatay po kase baby ko first baby kopo nag mengs Napo kase ako nong December 17 to 20

3y ago

Yes po possible