Progesteron (Gestron) insert sa Vagina
Sino po dito nakagamit na ng Progesteron(Gestron) na ini na insert sa Vagina?, may subchronic hemorrhage kase ako ngayong first trimester kaya niresetahan ako ng duphaston at itong Gestron na iinsert daw sa vagina, pero natatakot ako gumamit neto, pano niyo po ginagamit to at ano pong side effects? Thank you po
Saken po sa 1st month ganyan po nireseta sakin twice a month. Umaga at gabi po nilalagay sa pwerta. Goods naman po walang side effect, after 1 month po inultrasound po ako ulit at ok na daw si baby mataas na po daw at makapit pero need pa din mag ingat po.
Hi mommy! Nakaka 2 weeks na ko sa vaginal progesterone. Wala naman ako masyadong napansin na side effect. Wag po kayo matakot di naman kayo ipapahamak ni doc po. Pinapasok ko siya 30 minutes before bed time para sa bed na siya matunaw inside me po
Ako po 10 weeks pregnant Meron din po akung minimal Subchorionic Hemorrhage masama po ba to para Kay baby ? pa help po first baby KO po Kasi Kaya po medyo walang alam SA mga complications
salamat po Ng marami SA sagot ❤️
heregest sakin mi plus duphaston meron din ako subchronic hemorrage wala naman side effect except magkakaroon ka ng watery discharge.
Hi mommy! ask ko lang ilan tablet ka per day ng duphaston? and yung progesterone twice a day?