Heragest Suppository

Sino po dito naka heragest na ini-insert sa pwerta? Ano po side effects sainyo? Ako po kasi Vaginal Itching & Burning. 🥹Kayo po ba? Need ko kasi mag Heragest till 36 weeks ko since may history ako ng Oligohydramnios @35 weeks sa first born ko. #pregnacy

Heragest Suppository
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagheragest din ako nung una iniinsert ko sya sa pwerta bago matulog. Naghuhugas muna ako ng kiffy bago mag insert para sure na malinis pati ang aking mga kamay. Kaso nun 15weeks ko pinatigil un pag insert pina take nlng sya oral. Pero ganun pa din sa gabi ko pa din tine'take.

Hi, nag vag suppository din ako on my 1st tri and nakaexperience na parang may yeast infection. sabi ng OB is normal side effect lang daw un pero pinalitan nya ng brand na pinagamit sakin. I cant remember yung nauna kong brand pero Heragest ung ipinalit nyang brand dun.

6mo ago

also, nagkaron parin ako nung symptom even on Heragest pero on my last tablet na, makati and iba ung amoy. siguro kc sa ibang cr ako nag apply, hnd ko alam kung gano kalinis ung napagpatungan ko baka dahil dun. make sure nalang din na very clean ang kamay and mga pinapagpapatungan baka sa hygiene din since pinapasok natin sya. make sure to inform your OB din para macheck din asap and mabigyan ka ng ibang gamot if kailangan.

ako po nakasuppositories noon hanggang 36 weeks din po ako.. . pero miprogen po nag brand.. sabi ko sa OB ko uncomfortable ako.. kaya sabi ng OB ko.. inumin nlng po.. isa sa umaga isa sa gabi..

Try to ask your OB kung pwede oral. Nag heragest din ako for till 36 weeks via oral intake prescribed ng OB ko kase that time may infection ako na ginagamot kaya di pwede insert sa kiffy.

Same po tayo ng side effects sa heragest na vaginal itching. May watery white discharge din po ako. Nagstart ako mag insert heragest nun 33 weeks ako kc po nagpreterm labor ako.

Nag heragest suppository din po ako, pero wala namang itching na side effects, discharge lang na white pag morning (before bedtime kase ko naglalagay)

Same tayo mi 35 week then ung pangangati need ko kasi may construction sila nakita sa NST ko naka heragest suppository ako then ung tablet nyapa

Hello mommy 💕 Nawala po ang yeast infection ko po nung ginamit ko po ang naflora feminine wash po yung green. Sana makahelp po.

Ako po iniinom ko nalang po 1 pagkaumaga at Isa sa gabi. advice din Ng OB ko since di ko kaya pag insert

ako nag karoon ng yeast discharge after mailagay pero nawawala din sya..