mahina kapit ni baby

sino po dito ang may same case ko po? i am 9 weeks pregnant po. upon transvaginal ultrasound nalaman na mayroon akong subchorionic hemorrhage o pagdudugo sa loob that threatend abortion. so may ob decide na magbedrest ako ng 1month para di ako mapagod lalo na at cashier po ako sa isang supermarket. first baby ko po ito at nasa 31years old na ako so nasa high risk daw po ako. so ngayon nga nakabedrest ako may iniinom ako na pampakapit but then one of my friend keep on saying na naku handa mo na yung pang-cs mo kasi uminom ka ng pampakapit. but for me its better to have cs basta ang importante kakapit at magiging ok ang baby ko. so ang tanong ko po may kinalaman ba talaga ang paglabas ng baby sa pag inom ng pampakapit? isa pa po anong pwede ko pong kainin kapag ganitong sobrang selan ko po na kahit gulay prutas at anmum sinusuka ko po? thank you po sa sagot salamat po. #1stimemom #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Mommy.. Tingin ko po hindi naman basehan po yun para masabi po agad na MaCS ka.. Di ko naexperience yung subchronic hemorrhage pero pinainom din po ako ng pampakapit ng OB ko.. Kasi palagi pong sumasakit yung puson ko habang nakaduty po ako😊 ER nurse po kasi ako nun.. Normal ko naman po nadeliver si baby😊 think positive lang po mommy..and pray po🙏🏼 Regarding po sa food.. Kahit ano naman po pwede niyo pong kainin basta in moderation lang po😊 pag iinom po kayo.. Malamig na tubig or anmum mommy para di po kayo masuka😉

Magbasa pa