Hello mga momshies at the age of 43 nabuntis pa ako pra sa second baby ko

Sino po dito ang katulad ko na nahihirapang mag buntis ung parang sinisikmura ka,nangangasim na tummy at nanghihina?Pagnaparami ng konti ang nakain na parang nasusuka at ang bigat ng pakiramdam?Pag nag toothbrush nasusuka ?Ano ang ginawa nyo?Pang 2nd baby ko to at mas nahihirapan ako siguro dahil sa edad na din 43 na kasi ako at di ko inaasahang mabubuntis pa ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang hindi po sa edad yan momsh. Kasi 28 pa lang po ako and same po tayo ng nafe-feel 🤭 hormones talaga natin ang dahilan. Wag ka mii pagutom, mabilis kasi tayo magutom pag buntis, kain ka po small frequent meals para di masyado mabigat sa tiyan. Konti konti pero maya’t maya ang kain para enough pa din nutrition mabigay kay baby. Congrats momsh!

Magbasa pa