29 Replies
Depende sa inyong mag-asawa. Ang DAPAT ay yung setup na magwowork sa inyo. Kailangan niyong mag-usap tungkol diyan, simula sa gastusin at kung sino ang sasagot sa alin. Usually, si misis ang nakaka-alam kung ano ang mga kailangan sa loob ng bahay, tapos sasabihin niya ito kay mister. Meron kasing mister na kusang loob na nag-aabot ng pera, meron naman ding kailangan mo pang sabihan. Ako, never ako nakialam sa pera ng mister ko at may trabaho pa ako. Hindi ko ipinasasagot ang mga personal kong bagay o gastusin sa kanya. Pero pagdating sa mga bata, obligado siyang gumastos at tustusan ang pangangailangan nila. Pero sadly, hindi enough ito at madalas mas marami din akong nailalabas na pera kumpara sa kanya. Kaya ang plano ko, ipag-open si baby ng account at dun na kami maghuhulog para wala ng tanong-tanong o pakiramdaman kung sino ang sasagot sa supplies ni baby.
Samin ni hubby, nasa kanya ATM nya, nasakin ATM ko. Ngcocontribute lng sya sa savings. Sa mga expenses sa bahay like pagawa ng mga kulang sa bahay, hati kami sa gastusin. Kung sa food and living allowance, sya gumagastos para sa self niya, ako nman gumagastos para sakin. Pareho kasi kmi ng work tapos same pa salary. Nanlilibre lng kmi sa isat isa kung kakain sa labas o magkasama kami sa bahay kapag restday lang. Once a week lng kmi nagkikita at nakakauwi sa bahay namin. Kaya ganito setup namin pgdating sa pera.
husband po. pera sakin pang emergency lang, wala namang problema sakin, saka kahit taon na din pinag samahan namin meron pa din akong hiya na gastusin ung pinag hirapan nya. and na po-provide naman ni husband ung needs nmin, so si ako walang reklamo, if minsan para lang sa bata no problem pa din sakin. minsan kase dindaan nalang namin sa salitang tiis at tyaga lang muna mag kaka swerte din. and one rule sa bahay namin "hindi mag aaway sa pera no matter what, maliit o malaki".
Samin po kasi si husband dhl alm ko sa sarili ko n mejo magastos ako..haha..pro natututo n dn magtipid.so sabi ko saknia pag nanganak ako at lumipat n kmi ng bahay ako na magbabudget at turuan nia ko para matuto ako.hehe!.mas matipid kasi un sakin at magaling magbudget..pro d ako nagrereklamo kasi lage nia ko binibigyan kht na may sarili din akong pera at mas malaki ang sahod ko saknia .mas magaling p dn cia humawak😊
Sa amin sya. Kasi lahat ng expenses, through credit card bya. Tapos pag nag withraw ng cash nilalagyan nya lang wallet ko. Wala din naman ako pagkakagastusan. 😊
Sa amin ako. We agreed as partner na if i mismanaged our money yung husband ko na ang maghahawak. So i proved to him na somehow we can save.
depende po kung sino magaling humawak ng pera sa inyong dalawa..kami kasi ng partner ko ako ung gastodera kaya sya talaga😂😂
Hahaha..agree .same
sa amin ako po wife pero depende dn po un sa usapan nyo. tingn ko po mas ok kung sino po yung mas mkkpgbudget
Depende kung sino hindi magastos sa inio..hehehe pero sa amin ng husband ko sa akin nya binibigay sahod nya
Ang pera namin nasa bahay lang, ako nagdedesisyon pag may darating na pera at kung san ilalagay.
Mhiles Soquiap