duphaston feedback
sino po ang niresetahan ni ob ng duphaston?pampakapit daw po. gano po katagal nio ininom yan mga sis? pinaiinom kasi ako niyan ni ob hanggang sa next na checkup ko. which is 3weeks pa po. hingi po sana ako feedback sa mga nagtake po niyan.. thanks sa mga makakasagot ??? feeling worried here ??? first pregnancy ko po!
Neresetahan din ako niyan for 1 week nung unang check up ko after ko maultrasounds dahil my Subchorionic Hemorrhage ako sa right ovary tapos etong next check up ko neresetahan ulet ako for 2 weeks sumasaket parin kase puson ko sana next check up okay na. 😌
duphaston 2x a day po for 5days sakin then isinabay po yung duvadilan 3x a day for 7 days nmn po. nothing to worry nmn po since nireseta nmn po ni ob yun. need din po mag bedrest kapag nagtatake ng duphaston and duvadilan para daw po maging effective yung gamot.
Me, nireseta sakin before ni OB is 2x a day for 2 weeks. Then nung nag bleed ako ginawang 3x a day for 2 weeks then inextend pa ulit ng 1 week. Halos 1 month mahigit din ako uminom netong pampakapit. Mejo may kamahalan pero safe naman po siya. :)
Same lang po sila duvadilan at duphaston din po ang iniinom ko kasi meron po ako bleeding abbott po brand
Pampakapit po si duphaston. Sundin mo po ung advice ni OB mo kung hanggang kelan mo yan need. Depende kc yan sa case/criticality ng pagbubuntis mo. Kung mahina ang kapit, talagang matatagalan ang pag inom mo nyan until mag ok ung kapit ni baby
ah noted po sis! thank you 😊
FTM also here. Pero 1week lng ako niresetahan ng OB ko nian nung sumakit puson ko in my first trimester. Effective nmn sya. Buti nlng hnd gnyan katagal sakin, bukod sa mahal n yung gamot e mhirap din inumin dhl 3x a day sya.
Duphaston po yes pampakapit. Same ng heragest. Same po sila na progesterone. Ako mag dadapawang buwan na po naka heragest😅 suppository pa naman. Basta bed rest lang po and take your meds for you and your baby's safety😊
Ano po effect sayo? Sakin po 2 heragest soft gel suppository po at bed time. Yan po reseta sakin.
Ako sis nung 1st trimester ko. Bale 15 tablets sya, ung 1st day ko 2 tablets tapos yung mga sumunod na araw 1 tablet na lang. Pumapatak na 2 weeks and 1 day ko syang tine-take. Depende din siguro sa lala ng pagdudugo.
Hi sis nothing to worry. In fact maganda yan kasi pampakapit yan. Bnbgyan ako nyan 1wj tpos pag my spotting ult ako reresetahan nya ult ako nyan forcanother 1wk. Ok lang yan my iba nga buong 3mos nla nireresetahan
Ako since high risk pregnancy and 2x na nakunan . Nagtetake ako niyan since 6 weeks pregnant up to now na 35 weeks na ko . 3x a day :) di ko na mabilang ilang 70pesos nagagastos ko pero keri lang para ky baby
3x a day hanggang manganak ako kasi placenta previa ako on & off nasa hospital ako nacoconfine because of heavy bleeding then kapag nag stop sa bahay ako nakabed rest then tuloy tuloy pa din take ng duphaston
Soon to be Mommy ❣️