Hi mommy, ibase nyo po ang dami ng milk nyo sa output ni baby (pupu, wiwi, pawis), at HINDI sa dami ng napu-pump. Lalo na kung nakadirect latch din sa inyo si baby, expect na konti lang mapupump nyo. Ako nga dati ay 0.5 - 1.0 oz lang napu-pump per breast/ session nung bago ako nagback to work, pero nasa 3.0 - 4.0 oz na nung nasa office na ko nagpu-pump at hindi nakakalatch si baby. Never ako uminom ng galactagogues pero 2y 8m din nag-bf si lo ko until I decided to wean him recently because of my pregnancy. Galactagogues po can be helpful but it's not necessary. Supply and Demand po ang milk production natin so rest assured na habang dumedede si baby sa inyo ay patuloy na magpo-produce ang katawan natin ng milk. Kapag nag-fm po kayo, lalo mawawala milk supply nyo kasi mabubusog na si baby sa fm and that will create less demand of bm from you, until eventually ay mawawala na ang bm ng nanay. So don't stress yourself po with the amount you're able to pump, unless exclusively pumping kayo. Hindi matutumbasan ng kahit anong pump ang efficiency ni baby sa pagdede at pagkuha ng milk sa breast natin ☺️
Reisyl Dimayuga