toothache 35 weeks

Sino naka experienced ng sakit sa ngipin habang preggy? ano po ginawa nyo para maibsan ang pain. sobrang sakit kasi talaga 😭

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku, nakakarelate ako sa'yo. Napakahirap talaga ng toothache lalo na kung buntis ka pa. Mahina ang loob ko sa sakit ng ngipin pero may ilang paraan akong ginawa para kahit papaano maibsan ito. Una, subukan mong magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Malaking tulong ito para mabawasan ang bakterya sa bibig at makatulong sa pag-relieve ng pain. Pangalawa, pwede kang maglagay ng cold compress sa bahagi ng pisngi na sumasakit. Nakakatulong ito para mabawasan ang pamamaga at sakit. Pangatlo, iwasan ang pagkain ng matitigas at matatamis na pagkain dahil pwedeng makadagdag ito sa sakit. Kung talagang hindi mo na kaya, magpatingin ka na sa dentista. Sabihin mo agad na buntis ka para alam nila kung anong mga treatment ang safe para sa'yo at sa baby. Habang naghihintay ka na makapagpatingin, pwede ka rin uminom ng paracetamol pero siguraduhing kumonsulta muna sa iyong OB-GYN bago uminom ng anumang gamot. Sana makatulong itong mga tips na 'to. Ingat at sana gumaling kaagad ang ngipin mo para hindi mahirapan si baby. https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

sakin mommy, buong buwan ng march at april sumakit🥴 buntis na pala ako that time, hindi ko lang alam... basta sobra sobrang sakit, sa wisdom tooth pa naman. need ng operation para tanggalin. hindi basta bastang bunot lang... need x-ray and etc. pero ayoko magtake risk kasi kawawa si baby. bawal kasi pain reliever kaya sobrang tiniis ko. ang ginawa ko po naglagay ako ng cotton at toothpaste sa butas ng ngipin ko... pinapalitan rin naman kapag kailangan. May, okay naman na ngipin ko...😊

Magbasa pa

danas ko to.. as in puyat ako walang tulog magdamag talaga pag nasumpong.. ginagawa ko nito lang na umepek.. pag feel ko magsisimula na syang sumakit inuman ko agad biogesic, yan lang kc reseta ni ob e.. pag inom ko dq namalayan wala na un sakit kc paumpisa palang uminom nako. kc pag sobrang sakit na dina kaya ni biogesic e.. so far 2x ko na nagawa na epek naman

Magbasa pa

Biogesic mima. Kaya mumumog ako warm water with salt tas mouthwash. Finally ngayon dina gaanong masaket. Kase talagang nabutas na. As in buong pregnancy ko nasira ang ngipin ko. Nabutas bigla

super effective ng sensodyne as per dentist. ngayon 2nd baby ko na ginagawa ko pa din pag nasakit ngipin ko.

ang ginawa ko nagmumug ako ng maligamgam na may asin

biogesic lang po .. effective sya sakin. .

Maligamgam na maraming asin mumog mo mii

Related Articles