Sakit ng ngipin sa buntis?

Sino dito mga mii ang nakakaranas ng toothache while preggy? Currently 15 weeks na po ako at nagsimulang sumakit yung dating ngipin na pinastahan ko last year. Nag ask ako sa ob ko if okay lang magpabunot kaso sabi nya di daw pwede. Niresetahan nya lang ako ng calcium tas twice a day ko daw iinumin. Nung una kase nangingilo lang ngipin ko pero now sumasakit na sya. Pero nawawala din naman time to time.. Haist hirap mga mii.. Hihintayin ko bang makapanganak ako bago ko aksyunan ngipin ko? Inaalala ko din kase si baby baka maapektuhan din sya ng toothache ko? Okay lang kaya mii yun? Salamat po sa mga sasagot..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin pwede naman daw dental procedures as long as hindi i-xray ang mouth ko and yung mga meds ay consulted sa OB. Pero di ko pa napagawa. Papaclean and pasta din ako. Okay lang daw sabi ng OB ko.

Pls check with big dental clinics din. Alam naman nila yan. Wag sa mga maliliit kasi minsan pera pera lang yan.