DREAM
Sino dito laging nanaginip ng babyboy during pregnancy nyo tapos nung nagpa ultrasound kayo is babyboy gender baby nyo?
Share ko rin story ko. I have 2 daughters 9yrs and 7 yrs. old. So medyo masarap na buhay ko kc malalaki na sila whole day na sa school, and mas marami na akong time for myself, and also mas madalas na kami nakakapagdate ni hubby kc naiiwan na sila sa mga relatives. Kaya nagdecide ako noon na di ko na sila susundan, kakapagod na ung back to zero ka nanaman. But then everynight nagstart akong mnaginip, naglalakad daw ako sa isang madilim na eskinita, tapos sa unahan is may batang lalake na nka-upo at umiiyak, ng dumaan ako sa tapat nya, tumingin cya sa akin at sabi nya "ako?" Na para bang tinatanong nya ako na "paano ako?"..every night yun. Gumawa ako ng name na pangboy, tapos nag usap kami ni hubby na magbaby ulit. When I got pregnant, hindi na bumalik ung panaginip ko, and here I am, nursing my 5 month old baby boy. 😊😊😊
Magbasa paBaby boy palagi dream ko to the point na nakikita ko face niya kasi naipanganak ko na daw siya, halos lahat nagsasabi na boy kasi matulis tummy ko. Kaya ako naman, may naipangalan na dapat sa baby boy ko, then nagpa utz ako only to found out baby girl pala. Happy ako kaya kahit 6 months palang tummy ko, dami nang damit ni baby, from newborn to 3 yrs old na ata nabili ko 😅
Magbasa paShare ko lang yung akin. Before ko pa naconfirm na preggy ako nanaginip ako na nanganak daw ako ng baby boy. Tas after 2 weeks di na ako dinatnan, nag PT ako tas positive. 💖 Im currently 14w2d now. At maraming beses ko na napapanaginipan na baby boy. Pero di ko pa confirmed kung baby boy talaga. Maghintay pa ako ng ilang months. 😊
Magbasa paIm 21 weeks and 5 days preggy na pero nacucurios talga ako sa gender ng baby ko baka magkatotoo dream ko pero ok lang din nman sakin lc blessing nman Yun
Sakin namn mamsh, lagi ako nanaginip before pa ako mabuntis na nanganak daw ako. Tapos after ko mag pt nanaginip din ako na positive daw pt ko and then pagtake ko positive nga. Yung partner ko namn ang nanaginip ng baby boy daw. 14 weeks palang ako ngayon. Kaya di pa alam kung tama ba panaginip ng partner ko haha.
Magbasa paAko din sabi sakin boy daw baby ko sabi nung first trimester ko. Tapos mga 5months nako nanaginip ako na girl daw baby ko and girl version sya ng daddy nya tapos lumabas sa ultrasound girl nga sa pangalawang panaginip ko girl din sya tapos tatay pa din kamuka nya.
nanaginip din po ako 2x, baby girl naman nasa panaginip ko hahaha 21weeks na po ako ngayon and di pa po ako nakakapagpaultrasound gawa sa covid pero dami na nagsasabi na baka girl baby ko kasi daw po medyo blooming and di po ganun kahirap pagbubuntis ko thanks God 🙏
momsh update ko lang, nung nagpaultrasound nga ako nung 7 months ma ako baby girl nga syaaaaa hihi
ako sana po baby girl n dream ko kc un ehh may 2 boys n kc ako,,pero kung boy parin ok lng,,kc dami ng sasabi girl daw po ung baby ko tas feeling ko din kc iba sya sa nauna kong baby iba ung nararamdaman ko ehh,,☺️☺️
Nanaginip din ako Sa 1st baby ko panaginip ko BOy tas Nong nagpa ultrasound at Lumabas si baby Girl Naman sa second baby ko nanaginip ako babae LALAKE NAman pala Hahaha
ako po baby boy khit bago ko magbuntis.tpos sabi ng kaibigan ko mabubuntis daw ako .ayon nabuntis nga pero ngaton di ko pa alm gender nya.
Ako mister ko tyaka panganay ko nananiginip kami baby boy ayun non ultrasound boy nga.. 😊😊 1month 12 days n sya ngayun😍😍
Preggers