BIYENAN
Sino dito ang medyo inis sa biyenan ? mabait naman ang mga biyenan ko, they take care of me very well. Medyo naiinis lang ako kase bagong sweldo ang asawa ko at sa kanila ibinigay ang pamalengke. Sinabi na ng asawa ko ilang beses na hindi ako nakain ng isda (trauma dati) pero panay isda pa rin ang binili nilang ulam ? tapos nagkukunwari pa silang hindi nila narinig 'yung sinabi ng asawa ko. Ang siste tuloy 'yung tirang manok ang ulam ko, e tatlong araw na 'yon, although hindi pa naman sira. Di ko lang maiwasan magdamdam. Kung kaya ko lang pumunta ng palengke, ako na lang bibili ng sarili kong ulam... share lang ?