Discriminated housewife

Sino ba dito same sa sitwasyon ko..ever since kasi feel ko na talaga na hindi ako tanggap ng inlaws ko..buong family kasi di naman ako mayaman..registered nurse ako but i quit my job after giving birth sa panganay ko kasi wala ng magbabantay. It’s been 5years din that i am struggling na tanggapin nila ako ng buo. Pero always ko nafifeel yung discrimination of being a plain ‘housewife’ na laging nila-‘lang’ nila. Now i am pregnant with our 2nd baby. Dami ako narinig sa kanila. Kasi sana daw ngwork na ako, tapos ngayon buntis na naman daw. Binalak kasi talaga namin sundan yung panganay kasi 5 years old na sya. Di rin ako nakabalik ng work within that 5years kasi di talaga ako swerte sa mga yaya. Wala lang, gusto ko lang mgpalabas ng sama ng loob. Lalo na today mother’s day.. na di nga sila siguro babati kung di sinabihan ni hubby. God knows i tried my very best para matanggap ako kahit mahirap lang pamilya ko at wala akong trabaho. Iba rin kaya hirap ng stay-at-home moms. Kanina iyak ako ng iyak. Pilit ko tinitigilan kasi kabuwanan ko na, mastress na naman ako. Sana gabayan ako ng Diyos.

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di naman sila ang makakasama mo sa bahay at pakikisamahan mo habang buhay sis. Dedma nalang, ako napagod na para iplease Mother in Law ko. Hinahayaan ko nalang. Hindi naman nagpaparinig sa akin pero sa ibang tao ko nalalamn na may ganun na pala MIL ko. Nakalungkot pero ayaw ko mag focus doon. As long as nagagampanan ko tungkulin ko sa asawa ko at sa magiging anak ko, doon ko nalang ibinubuhos energy ko. Master the arts of dedma. Wag na patola at mag masyadong mag ooverthink, isipin mo nalang di ka nag iisa. Licensed teacher ako, pero alam mo sabi ng MIL ko? WAG KA MAGPAKASAL SA BABAENG NAKAPALDA LANG, MALIIT LANG SAHOD NIYAN, MAG ASAWA KA NG BANKER KASI DUN, KAHIT DI KA MAGTRABAHO, SIGURADO NA FUTURE MO. Nakakalungkot, kasi pera pera lang para sa kanila. Pero wala na akong pake, malayo naman sila sa akin eh. Kaya ngayon, never na ako nag chachat sa kanila, ayaw ko magbakasyon doon kasi nakatatak na sa isip ko na ayaw nila sa akin, at ayaw ko ipilit sarili ko para magustuhan nila and honestly, nakakawala ng respeto kaya in return, hindi ako nag rereply kapag nakikioagplastican sila sa akin (lalo na pag uutang, di naman sila makakahiram din, kasi di rin marunong magbayad). Buti nalang nirerespeto ni hubby desisyon ko kaya masaya ako hehe.

Magbasa pa

Hello mommy. Same tayo RN din po ako at first, di rin po ako tanggap ng MIL ko kasi nga po nung pinagbubuntis ko first born namin mag asawa mas pinili ko maging hands on sa baby namin. May maririnig ka talagang hindi magagandang salita lalo nat wala kang work. Hayaan mo lang sila. Ang importante sa paningin ng asawa at anak mo ginawa mo yung best mo. After a year, nag work ulit ako and pinakita ko rin na di ako palamunin ng anak niya kasi ganun dating sakin dati eh. Kaya ngayon po hindi ko alam if tanggap na ba ako or hindi pa rin. Hindi kami nag uusap since malayo naman siya samin ng mga bata. Pasalamat lang din po ako sa mama ko dahil since only child ako, mas gusto ng mama ko na hands on din siya sa mga apo niya. Ayaw niya kumuha ng katulong kahit na nag ooffer na ako sa kanya.

Magbasa pa

Di natin tlga mapiplease lahat ng tao sis..ako tapos din ng nurse pero dhil wala din magbabantay sa mga anak ko di ko din napursue napagaralan ko.ang dami ko din narinig sa mga tao na di maganda..too many to mention...pero sabi ni hubby na apply ko nman daw yung napag aralan ko sa mga anak namin dhil di daw sila sakitan dahil may mommy nurse sila..2 na anak ko at boys sila,isang 13 y/0 at isang 4y/0 at buntis din ako sa third baby namin at 6 months na..kahit ano tlga gawin mong mabuti may masasabi parin ng masama ang ibang tao sayo..basta masasabi ko lang sayo Trust in God and do the right...ang buhay natin ay hindi tungkolsa kanila it is about us kaya hayaan mo lang sila..God bless you always and your kiddos..🙏

Magbasa pa

Hi mommy.. Naalala ko yung isa sa gustong gusto kong verse. Galatians 6:4 "But let each one examine his own actions, and then he will have cause for rejoicing in regard to himself alone, and not in comparison with the other person." Minsan sobrang taas ng standards ng ibang tao at kahit sila di nila kayang abutin yong mga inaasahan nila sa iba. But you can always be your best and those persons who matter the most will never fail to see and appreciate that. Rest assured na masaya ang Diyos na mabuting ina ka sa mga anak mo. Here's something I'd like to share as a gift for you and your family. Wishing you the best momsh! https://www.jw.org/tl/library/magasin/gumising-blg2-2018-hul-agos/

Magbasa pa
5y ago

Salamat ng marami mommy 💕

VIP Member

Momsh, you're doing just great. I know someone, she took masters and was employed sa isang well known online english platform education, but she gave up on her career and focus on her baby. Imagine, she's at the peek of her career pero a mother's sacrifice is worth every penny and things in this world. If you'd ask me, kung kaya lang ng husband ko to provide all the financial needs ng baby namin and our upcoming baby, I would also do the same thing as you do kasi I just cant trust my baby sa stranger. Bilib nga po ako sayo e, you manage to handle well ung stress, hindi ka lumalaban sa inlaws mo.. Pray and everything will be ok. Your sacrifices will never be in vain momsh 🙏

Magbasa pa

hi mom same experience tau noong dp kme umaalis sa side ng husband ko,,lage nila ako inaaway minumura hanggang sa d ko na kinaya lumayas ako sa poder nila kasama mga anak ko,,si husband iniwan ko para marealize nia kung ano b talaga balak nia sa family n binuo nmen,,awa ng panginoon sumunod husband ko at bumukod kme pinatunayan ko sa kanila n kya nmen khit wla cla kaya nmen khit mahirap ang buhay basta kme mgasawa ngtutulungan,,ngaun ok n kme ng byanan ko hindi n nia ako inaaway,,kc minsan nlng kme mgkita kita once a year☺️😊 bumukod nlng kau mas better wlang mangengealam sa buhay nio mg asawa masaya kahit mahirap,,

Magbasa pa

I feel you. I feel so degraded dahil halos ng bayaw ko may pinag-aralan pati mga asawa at jowa nila. Nakakapanliit mamsh pero always remember na you don't need to impress anyone. If ayaw nila sayo so be it! Hayaan mo lang sila as long as na wala ka namang ginagawang masama. May mga tao na kahit ano pa ipakita mo maganda makikita't makikita parin ay yung panget. Don't stress yourself too much! Instead, focus ka nalang sa mga anak mo at kung paano ka magsa-success sa life kahit na nasa bahay ka lang. Positive lang tayo dapat!

Magbasa pa

Inhale exhale muna mommy, exhale the crap & inhale the thought that there is someone inside you, waiting for you to hug you & love you for the rest of your life. Ipagdasal mo lang sila mommy. Let God do the rest. Basta ikaw wala kang tinatapakang tao at kung kaya niyong bumukod after that then go. Much better. Pero kung hindi kaya, kausapin mo si hubby mo kailangan mong sabihin sknya lahat ng sama ng loob mo, wag mong kikimkimin. Eto lagi mong tatandaan, this too shall pass.. Isang mahigpit na yakap, mommy! 💞

Magbasa pa
5y ago

Thank you mommy. 😭 Senti lang talaga ako sa mother’s day kasi d nila ako binabati.. sila2 lang ngcecelebrate. Nkabukod mn kami sis pero same city lng kasi kami.. nkakaSad lng makita post nila sa fb ng mga greetings at pics na d ako kasali.. :(

Mag work ka nalang po para sa sarili mo at sa mga anak mo then find a olace na malayo sa kamag-anak mas peaceful buhay non.. Kung ako lang sa situation mo na Regusterde nurse at maraming opportunity hinde ako titigil magtrabaho, same sitiation tayo ako minamaliit lang din ako kc 2 years grad lang ako pero kahit anong trabaho na marangal nagtatrabaho ako pero hinde oarin enough sa asawa ko 😭madali lang po solutionan ung problem niyo dahil may soluyion at may mahahawa pa kayo. Happy Mothers day po 🌹🌹🌹

Magbasa pa
5y ago

I stopped working bfore kasi walang bantay si baby. D rin kaya ng mama ko alagaan. Wala talaga. D ko rin kaya ipaubaya sa yaya. :(

Magwork ka po kasi. Madami naman po way. Pwede ka po mag work from home or freelance. A ng dami po paraan. Ang sayang degree mo. If I were you, magwowork ako... balewala yung degree if hindi magagamit. Ang dami opportunity lalo na sq ibang bansa. Kaya lang you have to start from the bottom since di mo nagamit degree mo. Magkano lang sahod ng baguhan na nurse, nasa 11k sa makati med... idk mas malaki pa call center.

Magbasa pa