Meet my Kobe Antonius

Siguro po yung ibang momshies maaalala ako kasi ako yung nag ask tungkol sa induced labor nung feb 2. ? Share ko lang po sa inyo naging journey ko at update na din sa mga butihing momshies na nag pray at sumagot sa questions ko non. FTM po ako and 5 months halos na nung nalaman ko na buntis ako. Siguro po iisipin nyo bat ganun katagal bago ko narealize. Irregular po sobra kasi mens ko. Tapos na confine pa tatay ko at namatay nung July 4,2019. Sobrang daming pangyayari. Yung tipong nagluluksa ako,nagpupuyat,iyak ng iyak,uminom din ng alak dahil sa kalungkutan non. Without knowing na may nag go grow na sa loob ko. Hanggang sa nalaman ko,nag spotting ako,inattendan lahat ng check ups,nag LOA ng maaga kasi bed rest. Ininom lahat ng needs ni baby. Tapos due date ko na ng Feb 3 pero wala pa kong nararamdaman. Hanggang sa sinabi ni Ob na may maramdaman ako o wala pa admit na ko. Kaya napa post ako dito nung Feb 2,yung induced. Feb 3 before lunch nagpa admit na kami, kasama ko si hubby. Tapos nasa er kami,ini ie ako ni dra,2cm padin. Inahitan na ko ng pempem at tyan,nilagyan na ng swero,binigyan na ng gamot pampa lambot cervix. Hanggang sa mag gagabi na wala padin,sasakit sya oo mag cocontract pero alam kong dapat mas masakit pa dun. Naka tatlong bigay na sakin ng pampalambot ng cervix 3 cm padin. Tapos nilagyan na ko ng evening primrose sa loob daw mismo ng matres ko pero wala padin. Hilab lang ng hilab pero 3cm padin. Sobrang hinang hina na ko. Tapos nung gabi pinalitan na yung dextrose ko na pampahilab kasi baka daw ma stress na masyado si baby kaya binalik sa normal na dextrose nalang,wala ng gamot. By 5:22am binalik nila ulit yung pampahilab na dextrose. Ini ie ako ulit 3-4cm daw pero lumambot na daw cervix ko. Sabi sakin if di padin daw bubuka ng todo by 8am,cs na ko. Naiyak na ko talaga sa stress,pagod tapos parang may hinahabol ka na deadline. Sino ba naman gusto ma cs diba. Mahal na masakit at matagal pa recovery. Naglakad kami ng naglakad ni hubby sa ospital,8am sakto pumasok kami ulit ng room namin. Tapos dumating na din yung head nurse na mag a ie ulit sakin. Pag ie nya ganun na ganun padin daw. For cs na daw ako. Okay lang daw ba. Sabi ko mas maganda po sana kung normal pero kung ano po i advise ni dra,yung ob ko,susundin namin syempre. Sabi sakin ng head nurse nung bumalik for cs na nga daw kasi stress na si baby sa loob. Yun daw payo ng ob ko. So ini skin test na ko for allergy. Pinagtanggal na ng panty,pinasakay sa wheel chair puntang OR tapos sunod sunod na nangyari. 9;00am nag start na sila sa OR mag ayos. 9:13am my baby boy is out!!!!!! Grabe yung ngiti ko nung narinig ko yung iyak nya. Tapos pray ako ng pray na sana normal si baby,buo at walang kulang. Yun lang ang hiling namin ni Daddy nya. Dahil sa lahat ng pinagdaanan ko ang laki talaga ng pangamba ko. Pero look at my baby now,sobrang ligaya ko nung nakita ko sya. Nakakapa thank you lord talaga kasi sobra pa yung binigay nya sa hiling ko. (Tay,may apong lalaki ka na sa wakas! ?) at, Thank you talaga mga momshies na nagpalakas ng loob ko. Lovin this app because of u guys! ?? My Kobe Antonius.. Edd; Feb 3,2020 Feb 4,2020 my baby boy is out and kickin' ? via CS

Meet my Kobe Antonius
47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Halos parehas tayo ng story momsh 4months ko na nalaman kase namatayan din ako kaso lola ko yung nawal sobrang mahalaga sya saken kase sya nag taguyod samen ng kuya ko unang na hospital sya nung june 19 tas di ko alam 2weeks preggy na ko tas ako lang nag babantay sakanya kase ako lang marunong makipag usap sa OB nya halos 1week sya sa er tas lagi akong puyat hanggang sa medyo naging ok na sya tas makalipas ang 3months sinugod ulit sya ng hospital 3months na ko nun kase nag kukulaps na sya non tapos nag lalakad kame pasakay bigla syang bumagsak sinalo ko unang una yung ulo nya diko alam na mabigat pala lola ko kaya napatumba ako hanggang sa nag tagal kame ng 10 days sa er hanggang sa nawala na lang sya tsaka ko na napansin nung nakaburol na sya kase lagi na kong antok nun tapos nung nilibing sya tsaka ko na nalaman na buntis ako kaya nangangamba ako sa baby ko na baka di healthy pero sana naman hindi sana healthy sya at walang problema😔

Magbasa pa
5y ago

Sana nga eh hays😣

congrats po ❤️ halos same tayo momsh,, induced labor ako lahat na ginawa ni OB para mainormal ko kaso stock talaga ko ng 1cm.. ang tagal 10hrs tapos ngdrop na heartbeat ni baby ng 2x kaya ngdecide at pumayag nko emergency CS.. nstress na siya sa loob.. baby boy din po 😊👶❤️

5y ago

super walang katulad na kasiyahan, lalo nung pagod at antok kana sa OR tapos bigla mo marinig unang iyak ni baby super worth it lahat ng hirap, sacrifice at pghihintay..❤️❤️❤️

Congrats mommy! 😊 Nakakaiyak ung story mo kc 5months pa b4 mo nlaman cympre carefree ka that time dahil s pinagdadaanan mo but still very blessed kc healthy c baby. Un naman ata lahat ang gusto nating mga mommy. 16weeks here and praying sa healthy baby ko on July 2020. ❤

5y ago

Thank you po mommy. 😊😊😊

VIP Member

Ako netong last week ko lang nalaman na 5months pregnant na pala ako. Halos dami ring nangyari last year na nakakastress at nakakapanlumo not knowing someone is growing inside me. Grace na lang talaga ni Lord 😅. Anyway! CONGRATULATIONS!!! 💙💙💙💝💝💝

Congrats po. Induced din ako due to hypertension. 3days akong na induced. At dahil hinang hina na ako, hindi ko na kayang ilabas si baby, kahit push pa din ako ng push. Kaya un na vacuum si baby. Buti nalang lumabas sya. Ksi pag hindi, cs din sana ako. Lol.

VIP Member

Congrats!!! Same tayo mamsh halos 5 mos ko narin nalaman na buntis pala ako 😓 inom yosi din ako nun and thank god nung nagpa CAS ako walang abnormalities na nakita. Sana good health din paglabas. ❤congrats ulit.

5y ago

Thank you so much po! Pray lang po tayo. Advance congrats na sayo momsh. Think positive lang. ❤️🤗

Congrats momshie. Ang cute ni baby boy. Same tayo sitwasyon momshie sakin nga lang nauubos na ang amniotic fluid kaya cs na ako.

5y ago

Thank you so much po. Cs man at medyo mahal ang gastos at araw araw masakit ang tahi,mahirap gumalaw. Ang sarap padin sa feeling na tanggal lahat ng nega pag nakikita si baby. ❤️

Parehas Tayo sis mag 4 months ko na malaman na preggy ako dahil super delay din Ng mens ko.... By the way Congrats sis! ❤️

5y ago

Thank you so much po. 🤗❤️

VIP Member

Congrats mommy! Same tayo 5 months ko narin nalaman na preggy ako. Sana makaraos na ako. Ang cute ng baby mo 😊😊😊

5y ago

Thank you po- Love Kobe. Di po kayo pababayaan ni Lord makakaraos din kayo ni baby ❤️😊 Advance Congrats na sayo momsh.

Congrats momsh 😍 God bless you. Sana ako magnormal lang at maging ok si baby ko ...

5y ago

Thank you momsh! ❤️🤗 Makakaraos ka din. God bless.