Possible autism?

Should I be worried if my child turning 14 months old does tip toeing, hand flapping when happy and doesn't respond to her name everytime I call her except if we are playing peekaboo? May eye contact naman kami and nauutusan ko naman sya. We play together most of the time. Kinakabahan talga ako. Pero based on my research wait till 2 yrs old daw to make sure na hindi na tama yung mga naoobserve ko. My relatives also said na maliit pa daw anak ko kaya ganun. Their kids also experienced some of them and almost 2 yrs old daw ng magrespond sa name yung anak nya. Nabasa ko din naman na normal daw till 3 yrs old ang magtiptoe ang baby and eventually maa outgrow naman daw yun. Paranoid ako mga momsh and may anxiety na ako. Help me pls. Any idea? #firsttimemom #pleasehelp #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same with my first born. He is 2 y/o na. Napansin ko na yung mga red flags sa kanya when he was 1 yr and a half, parang nag fade yung iba nyang alam na gawin like pagbe bless, di na rin sya lumilingon pag tinatawag yung name nya and nag start syang mag tiptoe and other red flags pa na nag appear. Pina assess namin sya last nov 2021 pero ang findings lang is developmental and speech delay. Hubby and i decided na masyado pang maaga para mag conclude and since June 2022 pa magkakaron ng occupational therapy availability sa hospital, we decided na obserbahan pa sya at baguhin ang daily routine nya, like reduced screentime and more playtime instead.nag improve ng konti, ang dami nya nang alam like ABC, phonics, counting numbers, colors, shapes and nakaka more that 10 words na sya. Hindi pa rin kami kampante ni hubby kasi hirap pa rin syang makipag communicate samin although marami na syang kayang sabihin. Pina assess ulit namin sya sa private therapy clinic naman kasi di ko na sya masyadong natutukan mula nung manganak nako sa 2nd born ko and ayun na nga he was diagnosed with Autism Spectrum disorder. Nag start na rin syang mag therapy last week and kahit nagte therapy na sya, sinusunod pa rin namin yung mga payo ng therapist at binago ulit namin yung routine nya, more exposure din lalo na sa labas and with other kids around his age, hirap kasi syang makipag socialize sa ibang bata since wala halos syang kalarong ibang bata dito samin kaya dinadala namin madalas sa in laws ko (where his cousins are) and sa mga indoor playgrounds.

Magbasa pa