8 Replies
Same with my first born. He is 2 y/o na. Napansin ko na yung mga red flags sa kanya when he was 1 yr and a half, parang nag fade yung iba nyang alam na gawin like pagbe bless, di na rin sya lumilingon pag tinatawag yung name nya and nag start syang mag tiptoe and other red flags pa na nag appear. Pina assess namin sya last nov 2021 pero ang findings lang is developmental and speech delay. Hubby and i decided na masyado pang maaga para mag conclude and since June 2022 pa magkakaron ng occupational therapy availability sa hospital, we decided na obserbahan pa sya at baguhin ang daily routine nya, like reduced screentime and more playtime instead.nag improve ng konti, ang dami nya nang alam like ABC, phonics, counting numbers, colors, shapes and nakaka more that 10 words na sya. Hindi pa rin kami kampante ni hubby kasi hirap pa rin syang makipag communicate samin although marami na syang kayang sabihin. Pina assess ulit namin sya sa private therapy clinic naman kasi di ko na sya masyadong natutukan mula nung manganak nako sa 2nd born ko and ayun na nga he was diagnosed with Autism Spectrum disorder. Nag start na rin syang mag therapy last week and kahit nagte therapy na sya, sinusunod pa rin namin yung mga payo ng therapist at binago ulit namin yung routine nya, more exposure din lalo na sa labas and with other kids around his age, hirap kasi syang makipag socialize sa ibang bata since wala halos syang kalarong ibang bata dito samin kaya dinadala namin madalas sa in laws ko (where his cousins are) and sa mga indoor playgrounds.
Relate ako dito. Yung panganay ko ganyan din napansin ng lola niya na parang pag tinawag name niya di kaagad lilingon. Nag tip toeing siya, hindi gaano nag sasalita pero may words naman pero konti lang. di pa alam ang alphabets . Konting numbers lang alam. Mga nasa 5 mos before siya mag 2 years old yun. Kasalanan ko rin kase pinag screen time ko siya at hindi ako nakikipag laro masyado. Simula nung sinabihan ako na baka may something sa anak ko. Dun ko inistop ang screen time. 3x a day ko siya tinuturaan ng educational, nakikipag laro ako sakanya. Lagi ko tinatawag pangalan niya. 19 months dami ng alam. Halos lahat alam na niya. Although speech delay siya. Pero everyday naman may nadadagdag na word ang nasasabi niya. Ngayon 4 yrs old na. Super daldal english speaking pa at napaka kulit. Basta advice ko lang momsh. Mag focus ka lang laging kausapin, mag pretend play kayo. Turuan mo na siya ng educational. Bawasan ang screen time mas ok kung wala na muna. Mag iimprove yan momsh. ☺️ relax lang iba iba ang mga bata may maaga nakapag salita may late naman. Basta kung na fefeel mo na may mali parin pag 2 yrs old above wala naman masama kung i pacheck up mo siya mas ok na maagapan ng maaga ☺️
Update: I asked our pedia about my child's tiptoe walking and said my child will eventually outgrow it. Bata pa daw at medyo unstable pa daw ang balance kaya nagtitiptoe pa. About hand flapping minimal na pp ang paghhand flap nya. Responding to her name had so much improvement na since nag reduce ako ng screen time nya. Every milestone for her age ay nahihit nya. But still our doc said observe pa din till 18 months to 24 months.
hows your baby na ho my?
check with developmental pediatrics or neuropedia mommy. anak ko kasi na panganay does hand flapping and lining up things, may eye contact sya, nauutusan din pero at the age of 4 she was diagnosed with ASD. then nung una may words sya na nasasabi then until mawala ng paunti unti at sabi nila late talker lang daw. madami kasi signs ang autism kaya the best way is to check them with the experts talaga para sure tayo.
Yes mommy, you should have your baby check to pedia, para sure lang din, common signs po kasi ng autism yung mga nabanggit ninyo, pero not all naman may mga cases na delayed lang.. The earlier mapacheck, the better para mabigyan ng appropriate activies kasi nadedevelop naman po lahat, praying for you po. 🙏🙏
Always trust ur mom instinct kaai yan ang magsasave sa anak mo. Lagi ko naman payo dito na always consult ur Pedia about ur baby. Walang masama maging OA ka kasi anak mo yan. Sabi nga nila Prevention is better then cure.
pero ang autism po talaga kasi makikita nayan kapag malaki na bata e, madaming pong level ng autism. lalo sa toddler mahirap pa ma distinguish, dahil nag kakamali din nang diagnose ang iba jan.
ang mahala po talaga sa development ng bata makisama lagi sa mga tao, para maka adopt siya ng tang response sa ibang matatanda o bata. Iwasan ang gadgets, may limit lang dapat :)
pwede naman po kahit before 2 yrs old e mapacheck na sa dev pedia. yung baby ko, 1 yr 10 mos nung pinacheck ko. nirecommend na magoccupational then speech therapy
Kamusta na po ang anak nyo ngayon?
Anonymous