Urinalysis result

#sharing 34weeks. Okay na sana yung result ko, kaso lumagpas sa 50 yung bacteria, no symptoms naman ako ng uti, walang masakit except sa singit singit o buto ko dahil mabigat na yung tiyan ko. Nakaka 3 liters of water ako sa isang araw, yung ihi ko maganda yung color na parang hydrated talaga ako, hindi din ako nagpipigil ng ihi. As per my OB, pwede din na cause sya ng mga discharge ko. Kaya pinagwa water therapy muna niya ako ng 2 weeks tapos repeat urinalysis bago ulit kami magmeet. Di muna ako binigyan ng gamot. Ano pa po pwedeng gawin? TIA

Urinalysis result
5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

• change your undies 3x-4x a day much better pagkagising hugas and palit agad, then tanghali lalo na pag mainit mabilis pawisan yung singit, lastly bago matulog palitan mo po. tas recommend sakin pag maglalaba daw ng undies lagyan ng colorsafe na zonrox wag din lagi magsuot ng pantyliners kasi mas mabi-build up yung bacteria e, kung nababasa na yung panty mo palitan mo nalang po. • pinagtake ako ng amoxicillin pero if hindi po kayo niresetahan wag nalang po muna better ask nalang po muna kung pwede ba. water nalang ho kayo tsaka wag magpigil ng ihi, pag nagpapahid din po kayo ng wipes/tissue after umihi, maganda po pababa yung way ng pagpahid wag po pataas • ingat-ingat din po sa kinakain

Magbasa pa