Flu season

Hi! Sharing all my home remedies para matulungan kong gumaling agad sarili ko sa flu. Monday - sobrang kati ng lalamunan ko at kinagabihan sinipon na Nag water therapy ako 3-4L of water a day tapos uminom ako 1000mg ng vit c. Syempre iniinom ko pa din prenatal vitamins ko at ibang bigay ni doc. Nag gargle din ako ng warm salt water 2-3x a day. Tuesday - Wed sobrang sumama na pakiramdam ko, low-grade fever lang naman ako around 36.8 to 37.6 lang max ng lagnat ko, uminom agad ako ng paracetamol (yes, eto lang safe sa buntis at advise din ng OB ko) every 6hrs at hindi na din ako nilagnat pero nagstart na ako ubuhin at sumakit katawan kaya uminom lang ako puro maligamgam na tubig. Nakatulong din sakin calamansi juice pero dahil diabetic ako onting sugar lang nilagay ko. Umiinom din ako isang Yakult araw araw, minsan dalawa. Tapos puro orange at apple kinakain ko after every meal. Ngayon onting sipon na lang ako at dry cough. BFF ko ang Vick's kasi ayun lang din pwede kong pampahid, nilalagay ko sa dibdib ko at sa ulo. Puro tulog din ako para gumaling ako agad. Kung maliligo ako, nagiinit ako ng tubig. Sana makatulong din to sainyo kahit papano. 😊 Mag ingat kayo lalo na sa pag labas labas.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply